This is more of an idea than a prompt, and honestly, di ko alam kung gagawin ko ba 'tong story o hindi. Plus, di ko rin alam kung accurate ba yung mga pinagsusulat ko dito (and I'm trying to educate myself with mythology, don't judge) so yun. As always! Don't forget to vote and comment! Motivate me to write more, lol.
-o-o-o-o-o-o-o-o-o-
"Totoo ba ang nakita ni Delphi?" Tanong ni Athena, diyosa ng karunungan. Kumibit balikat lamang ang diyos ng mga karagatan na si Poseidon habang pinaglalaruan ang kanyang sibat na may tatlong talim.
"Sa totoo lang, hindi ko alam. Nagaalala ako sa kawastuan ng kanyang mga pangitain." Bumuntong hininga si Poseidon. "Nang dahil dito'y naguguluhan ako sa pag-sangayon o hindi pag-sangayon ko sa kanya." Hindi mapigilan ni Athena ang pangangambang kanyang nadarama. Kaibigan niya si Delphi, ngunit may punto si Poseidon.
May isang beses na nakita niyang mag-aaway sina Ares at Hestia at mapupunta ito sa pagkasira ng taunang pagsasalo ng mga diyos at diyosa. Halos lahat ay natuwa dahil hindi ito nagkatotoo, ngunit may ilang mga kilay na nagsitaasan dahil sa kamalian ng kanyang pangitain. Hindi maipagkakaila ni Athena na isa siya do'n sa mga nagdududa sa galing ni Delphi.
Mukhang naramdan ni Hestia, diyosa ng dapugan, ang kaniyang pangangamba kung kaya't siningkitan niya ang mga ito ng mata. Nagpatuloy sa pag-uusap ang dalawa, habang nagtitimpi sa isang tabi si Hestia.
"Poseidon! Hindi mo dapat pinagsasalitaan ng ganyan ang kaibigan natin! Maaari ngang hindi ga'nong ka-wasto ang mga pangitain ni Delphi, ngunit kailangan nating magtiwala sa kanya. Mabuti nga't hindi na nagkikimkim ng mga pangitain si Delphi. At ikaw naman, Athena! Malapit ka kay Delphi, hindi ba? Bakit pinangungunahan ng pangangamba ang puso mo kung napagkakatiwalaan mo siya sa iba't ibang bagay?"
Nagulat sina Athena't Poseidon sa biglaang sermon ng diyosa. Patuloy niyang pinagsasabihan ang diyos ng mga karagatan habang si Athena naman ay bumuntong hininga at naglakad papalayo. Nang makalayo na siya sa nagsisigawang diyos at diyosa, umupo siya sa isang upuan na nasa ilalim ng isang 'olive tree' at pinag-isipan ng mabuti ang nakitang propesiya ni Delphi.
~=~=~=~=~=~=~=~=~
Magkasama si Delphi at Athena sa silid-aklatan ng Olympus. Naghakot si Athena ng mga libro tungkol sa kultura ng mga tao sa lupa, samantalang si Delphi naman ay naghakot ng mga librong tungkol sa Kanya-kanya sila ng hakot ng mga libro dito. Nang makalipas ang dalawang minuto, ibinagsak nila ang mga librong nakapukaw ng kanilang atensyon at nagsimula nang magbasa. Di naman sila ganoong magka-lapit sa isa't isa pero pag dating sa mga libro, masasabi mong 'bestfriends' ang dalawa. Pag nagtatagpo ang dalawa ay agad-agad nila tinatanong ang isa't isa ng 'may nabasa ka na bang bagong libro?' o di kaya 'may nakita ka bang sa tingin mo'y interesadong libro?'. Libro dito, libro doon. 'Yon ang tipo ng pagkakaibigan ng dalawa.
Tahimik na nagbabasa ang mga diyosa ng kani-kanilang libro nang biglang dumiretso ng upo si Delphi. Nawalan bigla ng liwanag ang kanyang mga mata at takot siyang tumingin sa kawalan. Napansin ni Athena ang pagkabalisa ni Delphi kaya naman agad siyang nabahala, "Delphi, may problema ba?" Ang tanong ni Athena.
"Nakita ko na ang sumunod na mangyayari sa hinaharap. Muli na namang nagpadala ang buwan at mga bituin bagamat maaga pa kaysa sa natakdang oras." Agad na nanabik ang diyosa sa kanyang narinig, batid ng lahat na kapanapanabik ang mga pangitain ni Delphi ngunit base sa reaksyon nito, alam ni Athena na hindi maganda ang mangyayari.
Tahimik na tinitigan ni Athena si Delphi habang nagsisimula nang kuminang si Delphi ng luntiang ilaw. Nagsimula nang umaliw-iw si Delphi ng kung ano-ano kaya naman nahirapan si Athena-ng maintindihan ang kanyang mga sinasabi.
BINABASA MO ANG
Blank Pages.
DiversosThis is my personal prompt book. Pag nag-update ako dito, ibig sabihin no'n ay tinatry kong i-overcome yung writer's block ko 😂