HINDI MAPIGILAN

693 8 2
                                    

Hindi mapigilan.

Ang tulang ito ay alay sa kaklase ko.

Teka, mali.

Kaklase nga ba?
O pag ibig na?

Hindi masagot ang sariling tanong.
Dahil puso ko ay tila ba parang nakakulong.

Pero pilit ako kumakawala.
Sa mundong wala si bathala.

Doon ko natagpuan.
Ang pag ibig na aking kinakamtan.
Sa bawat araw na dumadaan.
Puso ko'y sayo lamang.

Ngunit.

Ngunit ako ay nasaktan.
Ng nalaman kong gusto ka rin ng aking kaibigan.

Kaibigan kong nasasaktan.
Pag may kaharutan kang iba.
Pag may kaasaran kang iba.
Pag may kasama kang iba.
At pag ang mahal mo ay iba.

Paano?
Paano kung pareho kami ng nadarama?

Ngunit paano din?
Kung ako yung kaharutan mo.
Kung ako yung kaasaran mo.
Pero hindi naman ako ang isinisigaw ng puso mo.

Masakit.

Ang sakit sobra.

Isang araw sa paaralan.

Hindi ako pinapansin ng aking kaibigan.
Tila ba parang ako ay kanyang nilalayuan.

Bakit?

Tinanong ko siya kung ano ang nagawa ko?

Sabi niya. Nag seselos lang naman ako.

Dun ako natauhan. Sakanyang dahilan.

Pareho lang kami ng nararamdaman.
Na pati ako ay nasasaktan.

Ngunit alam ko.

Alam kong kailangan ko na ding tantanan.
Ang walang kwentang kalandian.

Pinilit kong dumistansya sa gusto naming dalawa.
Pinilit kong lumayo.
Pinilit mag tago.

Pero paano kung hindi na mapigilan.
Ang pag lapit sa bawat oras na pumapatak.
Ang pakikipag usap sa bawat segundo na lumilipas.
Ang pakikipag asaran, harutan sa bawat minuto na dumadaan.

Puso ko'y malapit pa din sayo.
Dahil ikaw na ata ang iibigin nito.
Sa isang taon na magsasama tayo.

Mali ba?
Mali ba talagang mag mahal?
Lalo na pag isa lang ang inyong minamahal.
Ng iyong kaibigan?

Pasensya, patawad aking kaibigan.
Ngunit hindi ko na talaga mapipigilan.
Ang ibigin ang ating minamahal.

Iisa man ang nasa puso nating dalawa.
Pero alam ko.
Nararamdaman ng puso ko.
Na ako ang mamahalin niya.
Na itinakda ng tadhana para sa aming dalawa.

Hindi ko maididikta.
Kung hanggang kailan.
O hanggang saan.
Basta ang alam ko lang,
Ay mahal na kita.
At walang sino man ang pwedeng sumira.
Ng tulang aking binuo.
Para saiyo mahal ko.

FOLLOW ME NOW!!!

@maxi_deib

POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon