Sana Nga

38 2 0
                                    

Sana Nga

Sana...

Ang apat na letra na tila ang daming umasa.
Ito ang apat na letra na ang daming nasaktan.
S-A-N-A ay ang apat na letrang mahirap paniwalaan...
Mula sa araw na nakilala ko siya at sa aming muling pagkikita.

Gusto kong ipikit ang aking mga mata sa tuwing kasama ko siya.
Alam ko naman hindi siya ang tipong gusto ko.
Hindi kasi siya chinito katulad ni Chito o ni Lee Min Ho. Sila ang mga bet ko.
Pero may kamukha siya, sabi nila artista.
Hindi ko naman nakikita...
Ang yabang niya kasi at ako naman ay may 
pasensyang sobrang maiksi.

Pabayaan ko muna siya.
Kikilalanin ko muna siya.
Sino ba siya?

Siya ang taong nakilala ko na seryoso sa harap ng madaming tao 
pero sobrang makulit kapag kami lang dalawa. 
Iniisip ko, baliw ba to? 
Baka inaaliw lang siguro ako?

Siya ang taong nakilala ko na napapakain ako ng madami.
Hindi dahil sa mga naorder niyang pagkain kahit dalawa lang kami,
pero sobrang sarap niyang kausap kasi, kaya kainan namin ay lalong napapasarap.
Kumakain kami magkaharap pero mga tinginan namin ay bakit pasulyap?

Siya ang taong nakilala ko na arogante. May mga oras na papabayaan ka lang niya
at maya-maya ay magugulat ka nalang sa paghila niya sayo papalapit sa kanya at sabay niyang hahawakan kamay mo ng sobrang higpit. Yung tipong "Hindi kita bibitawan" kahit ang pagkahawak ay pinipilit...

Pero...

Gusto ko pa din pumikit sa tuwing kasama ko siya at sana sa pagdilat ko manatili siya sa tabi ko.

Sana...
Ang apat na letra na tila ala-ala niya ay pauli-ulit sa aking isipan.
Ito ang apat na letra na gusto kong hawakan ng mahigpit na mahigpit at hindi ko bibitawan kahit ano man ang pagpilit.
S-A-N-A sa mga sandaling araw na iyon siya at ako ay totoo.
Mabibilang lang mga araw na kami ay magkasama.
At sa pagbilang ko...Isa,dalawa,tatlo,apat ...
nabihag niya ang apat na letra sa puso ko.

Sana...

Ang apat na letra na bumabalakid sa isipan ko na sana...

Hindi na lang.
Sana hindi ko nalang siya nakilala.
Sana hindi ko nalang siya nakasama.
Sana hindi ko nalang siya naalagaan.
Sana pala, pinikit ko nalang mga mata ko
dahil alam ko naman, hindi lahat magiging totoo.

Pero..
Sana NGA

Ang tatlong letrang naidagdag upang mabago isipan ko.
Ito ang tatlong letrang gusto kong hintayin para maulit muli ang mga sana naming dalawa.
Tatlong letra na umaasa ako na ang lahat ng ito ay magiging totoo.
Tatlong letra lang pala kailangan para gumaan ang puso't isipan.

Pero...

Sana nga, ang pitong letrang nabuo sa pitong araw.
Pitong araw na nakasama ko siya.
Pitong araw na nakilala ko siya.
Pitong araw na nahulog loob ko sa kanya.
Totoo ka nga ba?

Sana nga, ang pitong letra na tila ang hirap hindi umasa at mukhang malabong paniwalaan mula nung umalis siya sa tabi ko at sa muli naming pagkikita, sana...





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 16, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sana NgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon