Chapter 1. First day

367 9 2
                                    

A/N :Frustrated writer here. kaya pag tyagaan nyo na yung slang words ko dito. millenials tong works ko. charot. 😜 Enjoy reading guys 😊

CHAPTER 1:

"Rigel.. Rigel.. why...... Rigel....don't go"

............................................................

"HOY! Gumising kana dyan! Late na tayo!" sino bang istorbo na yun! Natutulog yung tao.

Pagmulat ng aking mata, may isang bruha ang bumalandra sa akin paggising.. Oh gezz! Sya lang pala tulog ulit.

"Hmmmnn.. teka 5 mins lang" sabi ko habang tinatakpan ang aking mukha ng unan

"Hindi pwede! maaga dapat tayo ngayon"

Hindi parin ako napatinag sa sinabi ng aking matalik na kaibigan or should i say my dorm-mate Sherlyn.

"NO! I SAID WAKE UP SCHUYLER VILLANUEVA!"

Napabangon ako bigla sa pagsigaw nya. Talagang buo pa yung pagsabi nya ng name ko. Isa lang ibig sabihin nito, galit na sya.

She's my bbf (best buds forever) SHERYLN CASTILLO since highschool pa, She's jolly, madaldal, kikay, fashionista, magaling magdala ng damit. Sya lang din ang nakakaalam tungkol sa mga nangyari sa'ken. Taken narin yan, yung boyfriend nya sa ibang school nag-aaral kaso 'Single' daw sya pag dating dito sa school. Adik eh noh? Mahilig din yan sa mga gossip! laging nangunguna.

"Eto na babangon na, istorbo! Nananaginip yung tao." sabi ko habang nag-uunat pa.

"Aba! Pasalamat ka ginising kita. Sinasabi mo pa yung name ni Rigel habang tulog!"

"OMG? Hindi nga? Sinabi ko yun?"

"Oo noh! Hanggang ngayon ba naman sya parin?!"

"Hindi noh! Masama bang mapanaginipan ko sya? Atsaka ngayon ko lang yun napanaginipan!"

"Defensive much? Palibhasa anniver....." biglang takip ng kanyang bibig.

Yeah right it's November 7 today! Our anniversary...Err! Naalala pa ni Sherlyn yun? Naman! Nakakaasar! Isang taon na ang nakalipas nung iwan ako ni Rigel. Walang closure na nangyari basta iniwanan lang ako. Ang saklap ni hi , hello or goodbye wala. Anyway, ayoko ng maalala yun. Hindi na importante yun ngayon kasi naka move on na ako! Oo move on na toh. hindi ako bitter!

"Nevermind! Bilisan mo na dyan. Bilis!"

"Oo na! Eto na po Madam!"

Nagmadali na akong maligo at mag-ayos dahil kanina pa bunganga ng bunganga si Sherlyn. At sa wakas after 20 mins. tapos narin. Dali dali akong lumabas ng dorm para makahabol kay Sherlyn.

"Ang tagal! Bilisan mo SKY!" Sigaw ni Sherlyn

"Eto na! Anong matagal dun?! Ang bilis ko kaya! Bakit kasi atat kang pumasok eh first day of class palang naman!"

"Sa gusto ko nang makita ung gwapong Prof. eh! You know naman di'ba first subject namin sya, and remember hindi tayo magkaklase ngayong 2nd sem. right?"

"Yeah right!"

Naglakad na kami papuntang school, malapit lang yung unit/apartment namen sa school, mga 10 mins lang. Pwede rin magtricycle kung tinatamad maglakad or kung late ng magising.

"Uy... Alam mo ba?" Tanong ni Sherlyn

"Hindi. Hindi ko alam"

"Umayos ka umagang umaga."

Eh sa hindi ko naman talaga alam, magtatanong kung alam ko.. malamang hindi, my PMS lang si ate?

"Whatever! Ano ba yun? Dali sabihin na!"

This is my Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon