Chapter Four - HIS POV

8 1 0
                                    

JULY'S POV

July Dizon

October 9, 1995

Incoming Junior

14 years old

Gwapo, mabait, gentleman, ideal, crush ng marami.

Ano pa?

Hmmm, hindi yan yabang ha. Nagsasabi lang ng totoo haha!

Sa sobrang dami naghahabol sa kin, nagtatanong sila bakit wala daw akong girlfriend.

Lovelife? Girlfriend?

Shit. Wag na namang pag-usapan oh. Masakit lang.

Ni hindi ko nga alam kung pano ko naka-survive ng six months. Six months since nong..

nakipag-break ang girlfriend ko. tss.

Fifth girlfriend ko na sya kung iisipin. Pero para sa kin? Sya ang first at nag-iisang girlfriend ko. Sa kanya lang ako naging ganito. Sa kanya lang ako naging seryoso. Ewan ko ba. Pero, sobrang mahal ko talaga si Nicole.

Kaya isipin nyo na lang kung gano kabigat yong feeling ko tuwing nakikita ko sila nong bago nyang boyfriend na magkasama. Yong bago nyang boyfriend na hindi man lang umabot sa kalahati ng kagwapuhan ko.

Walang biro. I'm so much better than him. Bakit ba kasi ako iniwan ni Nicole? Bakit nya ba ko biglang binitawan? Oo, aminado ko na naging mahirap ang naging sitwasyon namin. Naiipit kami sa napakaraming taong nagsasabi na hindi kami bagay. Na masyadong common si Nicole para sa kin. Na bakit sya pa ang naging serious relationship ko compared sa mga babaeng may gusto sa kin na kulang nalang ligawan talaga ko.

Six months na ang nakalipas. Bakit di ko pa din maintindihan? Ginawa ko ang lahat, para ma-protektahan ang relationsip namin. Pero, bakit iniwan nya pa din ako? Ayoko man isipin dahil masakit pero, minsan naiisip ko na lang..siguro di na nga nya talaga ko mahal. Na si Ram na yong mahal nya, kaya isang buwan palang kaming break eh naging sila na agad.

Ang sakit nun sobra.

Minsan kasi iniisip ng mga babae, na sila lang ang nasasaktan.

May feelins din kaming mga lalake!

Nasasaktan din kami.

Minsan din iniisip nyo na kami mga ganito na madaming naghahabol ay playboy.

Kaya din namin maging seryoso!

At yun ang ginawa ko kay Nicole. Naging seryoso ko sa relasyon namin.

Kaso sinayang nya. Sinayang nya lahat ng ginawa ko para sa kanya.

Isang bagay na hanggang ngayon, hindi ko parin matanggap.

May 22, 2010

AAAAHHHHH!

Bagong gising lang.

Time check: 10:35 am

Konting inat at workout muna. Oh well, nagwo-work out talaga ko. Halos habit ko na eh. Pero pag minsan tinatamad ko.

And by the way, workout at exercise ang sikreto ko sa tangkad ko. Oh well, at the age of 14, 5'110 ang half LANG naman ang height ko. Haha!

Oo, mayabang talaga ko. Pero, sabi nga ng mga babae, okay lang naman daw. kasi nga naman, may maipagmamayabang.

Check nga muna ng phone ko,

8 unread messages.

Yong text lang ni best ang binasa ko. Kakatamad eh.

Nga pala, bestfriend ko. Si Karie. Karie Alcala.

Ex ko din yan dati pero wala na yun sa min. Kunwari wala na lang nangyari.

From: Karie

Best what time nga mamaya?

What time bang?

Mamaya?

Ano namang meron?

Oh shit. May lakad ako, I mean kami ng 11 am.

Ito ang ayaw ko sa kin eh. Sobra kong makakalimutin. Tanghaliin pa gumising.

Sorry naman, masarap matulog eh.

Ay shit talaga.

Anong oras na nga ulit?

What the!??

10: 50 na agad.

Bakit ang bilis.

Shit makatakbo na ng banyo!

Ligo. Bihis. Spray. Ayos ng hair.

Rubber shoes? Rubber shoes ko!

Suot na ng rubber shoes.

Ayan, tumatawag na sila Jared

Hmm, bayaan na muna. Eh sa nagmamadali ako eh.

Mag-antay na lang kasi kayo. HAHAHA!

Aba teka, nong oras na?

11;40 am?

Shit. Ang tagal ko ba?

Bakit kung kelan nagmamadali ako ay saka naman bumilis ang oras?

(LOL. July! Bumibilis ba ang oras? HAHAHA)

Aalis na talaga ko.

Wait, PSP ko? Saan na? Di ako pwede umalis ng wala yun. Ga-game sharing pa kami eh.

Nasaan na yun? Ay shit talaga. Malas!

Boom! Ayun na! Sa wakas. 

Aalis na ko. Tatakbo na talaga.

Wait, san ba kami magkikita kita?

Check nga si cellphone.

Ngek, puro missed call lang. Ang mga text naman ay puro "July, san ka na?" "Hoy ang bagal mo, magreply ka nga" "July, why not answering our calls?"

Takte wala man lang lugar kung saan kami magkikita kita.

Maitext na nga lang si Migs. Yong isa ko pang bestfriend. (Tatlo silang bestfriend ko. Si Vince pa yong isa)

To: Migs

Migs san dw?

Sent.

Tagal naman magreply, di ako makaalis.

Ayun na.

From: Migs

Sm na kami  dude punt ka na dito bilis!

Pagkabasa ko nun, dire-diretso na ko sa baba. Teka, di pa ko nagpapaalam kay mommy. Baka pati kulang pa pera ko.

Hmm. Bat ang ingay sa baba?

Syanga pala, nandyan yung mga friends ni kuya galing Manila. Astig nga nya eh, incoming college palang. Hindi pa sya nag-aaral don pero may mga friends na sya na taga don. Cool.

Diretso na ko kay mommy. Buti pumayag agad. Binigyan pa ko ng allowance! Ayos!

Tatakbo na sana ko eh kaso biglang,..

Kuya: Aalis ka na?

Kuya naman eh, wrong timing ka talaga!

Ako: Oo, nagmamadali ako eh.

Sa totoo lang kuya, sobrang nagmamadali!

Kuya: Ah mga friends ko nga pala.

Hihirit pa si kuya oh. Kulit. Nagmamadali nga eh. Ah ah naman.

Npatingin na lang ako don sa mga friends nya.

Syanga. Mga mukang Manila boy at Manila girl, oh well. Ako din. Someday!

Napangiti na lang ako sa kanila. Tapos umais na ko. Understood na nila yun. Nagmamadali naman kasi ako talaga eh.

--What can you say about our guy here? Okay ba ang characteer ni July? Haha. Kung alam nyo lang ugali nyan sa tunay na buhay. Grabe pa dyan. Comment na lang kayo about him. Vote also. Thankss.

The Unexpected Him.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon