ANGEL'S POV
Masaya tong araw na to. Promise! Daming tawa kasama ang barkada. Sina Mark, Karyll, Meg, Halona, Charlie, Brands, Rj, Razel, Tish (Bestfriend ni Mark). Basta masaya talaga. Puro kami food! Puro kami Quantum! Lol. Yon lang talaga ang ginawa namin dito sa mall. Dami din naming pinagusapan, pinag-chikahan at pinagtawanan. Adik pa ni Karyll at Mark, kumanta pa sila sa karaoke. Haha! Sintunado naman. Nagtinginan yung mga tao. Kahihiyan eh! Pero ayos lang. Sabi ko nga, super saya naman.
Gabi na. Medyo pagod na kami. Gutom na, actually. Greenwhich na lang kami. We're craving for pizza kasi eh.
Gutom na kami! Tagal ng order eh. Nakakainip. Ayan tuloy, wala na kaming magawa. Nagdaldalan na lang ulit. Galing no? Maghapon kaming magkakasama, di kami nauubusan ng kwento.
Tenen! Ayan na yung order. Thank God! We're really starving. Haha!
Super gutom kami. Gusto nyo ng proof?
Todo kwentuhan kami. Nong dumating yung order, lahat tumahimik. Lahat kumakain lang talaga. Haha! See? Ganyan kami ka-gutom. Take note, nag-aagawan pa ha! XD.
Na-distract lang yung pagkain namin. Kasi naman biglang may tumunog.
NOKIA TUNE.
Nagkatinginan tuloy kami, yong tingin na parang nagtatanong na "Kanino yun?" Napangiti naman si Mark. Nyek. Sa kanya pala yun. Sinagot naman nya agad.
Mark: Oh?...Nasa greenwhich bakit?..okay sige.
After nya ibaba yung phone nya, lahat kami nakatingin lang sa kanya. Yong tingin na parang nagtatanong "Sino yun?"
Ayun, na-gets nya agad.
Mark: Ah kapatid ko. Tinatanong kung nasan tayo.
Lahat naman napangiti na parang nagkatinginan. Oo na, crush namin si July. Take note ha. Kami! Lahat kami. Pati nga si Halona eh. Napikon tuloy si Karyll. Btw, sila kasi eh. Ayun, selos effect. Haha! Cute nga magselos ni Karyll eh. Todo sorry naman si Halona. So cute nila!
Parang ang sweet. Ano ba kasing feeling ng may boyfriend? Ganon ba talaga kasaya? Nakakakilig ba talaga?
Sorry naman! No experience here. NBSB in short. Eh kasi naman bata pa ko eh. LOL joke lang. Nong eleven years old nga ako muntik ng magkaron eh. Buti di natuloy. Maling lalaki kasi eh! Haha. Joke lang. Wag ng pag-usapan yun. :D
Balik tayo kay July. Yii, tinanong nya kung nasaan kami. Bakit kaya? Hmmm..
JULY'S POV
Nagtangahan na naman kaming barkada dito sa mall. Kung ano ano na lang ginawa namin. Parang pampalipas oras na lang. Tsaka syempre namiss ang isa't isa. Tagal na din kasi ng bakasyon. May na kaya. Malapit na din ang pasukan. Kung di nyo na itatanong, halos buong batch namin eh isang barkada lang, Saya di ba? Wag na kayong mag-isip. Oo batchmate ko si ex. Part din sya ng barkada. Naalala ko nga yung mga times na laging magkakasama ang barkada nong Second year. Very supportive sila samin ni Nicole.
Naging supportive din sila nong mga panahong umiyak ako nong nag-break kami. actually, umiiyak pala. Araw araw yon eh. Itsura ko non pag papasok ako ng school, daig ko pa ang magdamag na nagbabad sa dota. Grabe yong singkit ng mata ko, yong eyebags ko. Hindi ko nga alam kung pano ko nakaya yung depression eh. Buti na lang nandon ang barkada. Sila yung tumulong sa kin.
Bat ba napunta don ang usapan? Tek. Ayaw kong umiyak tss.
Maya maya, nagkayayaan ng umuwi? Grabe naman. Ang agap pa. Sanay naman kaming ginagabi sa mall ah? Tss. May mga gagawin pa daw sila. Ayun mga nagmamadaling umuwi. Tinatamad naman akong makisabay sa pagmamadali nila kaya di na ko sumabay umuwi sa kanila.