CALL ME MAYBE...

2.3K 86 35
                                    

Matagal na kitang inaabangan lagi. Everyday sabik akong makita ka. Oo, di pa tayo nagkakausap. Ni hindi mo nga ako kilala. Ito ang mahirap kapag nagkakagusto ka  sa isang taong walang alam sa’yo.

Bagong transferee siya sa school. Galing pa siya ng Korea. Half-pinoy half-korean. Sabi nila magaling naman daw siya mag-tagalog. Kenji daw name niya. Sabi sa akin ng mga kaklase ko, tahimik lang daw ito. Laging nakangiti. Iilan lang mga kaibigan niya. Sa bagay, bago pa lang siya sa school. Siguro nga naga-adjust pa lamang siya.

Matagal ko na siyang gustong makausap. Matagal ko na siyang gustong makilala. Ewan ko ba, noong unang makita ko pa lamang siya noon na naglalakad, natigilan na agad ako. Alam mo ‘yon, ‘yung tipong na-magnet ka na niya. Hay… Kainis talaga. Bakit kasi hindi pwedeng ‘yung girl muna maunang magsabi ng feelings niya.

“Kenji!!”sigaw ng isa kong kaibigan.

Nagulat ako. Nagpalinga-linga ako sa paligid ng canteen. Pero wala akong Kenji na nakita. Nalungkot  ako.

“I told you… “Yung guy na naman na ‘yun iniisip nitong ating miss beauty queen!”si Lala, bestfriend ko.

“PBB Teens???!”si Henny, ang bading kong bestfriend.

Sabay silang naupong dalawa sa tabi ko. Naiinis ko lang silang pinagmasdan.

“Magpakilala ka na kasi, Rachelle. Nahiya ka pa. Alam mo naman na maganda ka di ba… Use it!”

“Adik ka, Lala… Ayoko nga. Ano ako papansin.”

“Korak! Kelangan mga guys ang hahabol sa atin. Ang gaganda kaya natin!”taray ni Henny.

Sabay-sabay kaming nagtawanang tatlo. OO, malakas lang talaga paniniwala namin sa isa’T-isa.

“Hi mga miss, join kayo sa darating na Fun Day natin next week… Madaming games, shows and gimmicks na mangyayari.. “ang Prersidente ng Student Government. Classmate din namin siya.

“Really?! Meron bang miss gay?!”si Henny.

“Wala eh. Nagawa na daw kasi last year, so kelangan maiba naman.”

“Ganon?! Daya naman. Ready na sana ako rumampa!”

Tawanan kaming lahat.

“Kaw Rachelle, Sali ka sa singing contest. Malaki chance na manalo ka. Galing mo kumanta at mag-gitara di ba?”

“Oo nga naman. Join ka na!”si Lala.

“Try ko. Medyo madami lang kasi akong gagawin next week kaya hindi ako makakapag-practice para diyan. “

“No worries, Mr. President! Akong bahala dito! Pipilitin ko siya!”si Henny.

Nawala bigla ang ngiti ko. Pumasok kasi si Kenji sa loob ng canteen. Solo lang siya. NAroon na naman ang kanyang pamatay na ngiti. Nalulunod na naman ako sa kilig.

Bigla siyang napatingin sa akin. Patay! Sapul! Nagkatitigan kaming dalawa! Wah! Natutunaw na ako!

Bigla akong kinurot ni Henny. Napa-aray ako! Badtrip! Natigil ang titigan naming iyon. Sarap tuloy manapak ng bakla!

FUN DAY. Masaya ang lahat. Makulay ang buong school. Maraming booth na nakatayo. Nagkalat ang mga iba’t ibang gimik ng different organizations sa school. Super enjoy ang mga estudyante.

Ang highlights ng event ay ang singing contest kinahapunan.  Madaming estudyante ang nag-abang dito. Late kaming dumating. Dyahe! Isa pa naman ako sa mga contestant. Si Henny kasi, dami pang kaartehang ginawa sa akin. Nagmamadali na kami papuntang backstage. Buti na lang number 3 pa lamang ang tinatawag nila. Pang-number 7 naman ako.

CALL ME MAYBE...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon