Chapter 6 -Angel Can Curse

18.1K 270 8
                                    

High & Untouchable Gods Society
Ares Timothy Li
GOD OF WAR
written by: Blackrose

C-6 (Angel Can Curse)

-------,-'-,--'-{@

Hazel Lane

'Anong ginagawa mo dito?!' asik ko ng iwanan na kami ni Ms. Patricia sa table.

'Ang taray mo! Wala naman akong ginagawa sa'yo! But I like that in a woman! Beatiful, angelic yet fierce and tough! What do you want to have? Order ka lang!' ngisi niyang sagot sa akin.

'Hindi ako tume-table sa customers! Waitress ako dito, hindi pokpok!' pilit kong nilalakasan ang loob ko dahil nakaka-intimidate ang presensya niya. Umayos ka Hazel! Huwag mong pakitang natatakot ka sa kanya dahil mas ikakatuwa niya yun kapag nagkataon! Ang gwapo kasi nitong gagong ito! Dito pa siya nakaupo sa may liwanag kaya kitang-kita ang bawat anggulo ng perfect niyang mukha. Peste talaga! 'Ano bang kailangan mo at pinatawag mo pa talaga ako sa manager namin!'

'Goddammit! Bakit ang ganda-ganda mo kahit na galit ka?! Is there a thing in you na hindi maganda?! Wala yata kasi you are perfectly beautiful, angel!' ngisi niya ulit sa akin.

Bolero! Ilan babae na sigurado ang sinabihan niya ng ganyan linya pero sorry na lang siya dahil hindi niya ako madadala sa mga paganyan-ganyan niya at sa mga mabulaklak niyang salita. Nabasa ko lahat ng mga kalokohang ginagawa niya at alam kong delikado ang pagkababae ko kapag hinayaan ko siyang makalapit pa sa buhay ko tapos ang ending ay iiwan niya lang rin ako kagaya nang mga babaeng naikama na niya! Ako ang magiging kaawa-awa sa huli! Bwiset talaga! Ang malas ko naman tonight! Bakit kasi nandito pa siya?! Sa dinami-dami ng clubs at bars sa buong Maynila ay dito pa talaga siya nagpunta.

'Ano ba kasing kailangan mo?! Sabihin mo na at may trabaho pa ako! Inaabala mo ako!' singhal ko sa kanya pero lalo lamang akong nainis dahil ngumisi pa siya lalo na parang nakakaloko at parang balewala lang sa kanya ang ginagawa kong pagtataray sa kanya.

'I want to know you more, angel. That's why I am here! I've made a way to find you! Aren't you happy to see me again?! Aren't you excited to see me again?! Kasi ako masaya na makita ka again and I am so excited that we are breathing the same air tonight!'

'Una sa lahat, hindi sabi angel ang pangalan ko! Hazel! H.A.Z.E.L! Hindi angel! May speech deficiency ka ba or hearing problem?! Pangalawa, minalas nga ako ngayon dahil nakita kita!' umiling ako saka ngumisi ng naaasar.

'DAMN SHIT!!!' napasulyap ako sa kanya dahil sa lakas ng sigaw niya, may ilan rin na tumingin sa kung saan kami nakapwesto. Pagtingin ko sa kanya ay para siyang natulala na nakatingin sa akin at naka-open pa ang bibig niya. Anong problema nito?! Baliw yata ang isang ito! Sayang ang mukha niya kung may sayad din lang pala ang pag-iisip niya! 'Naiinlove na yata ako sa'yo, angel! You are so beautiful! Whatever your facial expression is, maganda ka talaga even on what angle I look!'

'Ewan ko sa'yo! Siyaw-siyaw!' tumayo na ako at humakbang palayo sa kanya pero maagap niyang hinawakan ang kamay ko. Ramdam ko ang literal na kuryente na naglakbay mula sa palad niya papunta sa kamay ko, napatalon ako dahil doon. Noong sa stag party ay naramdaman ko narin ito nang hawakan niya ako sa tagiliran kaso hindi ko pinansin dahil baka gawa lang nang tequila na nainom ko that night pero ngayon na hindi naman ako nakainom at naramdaman ko ulit ang tila kuryenteng ito, nalilito na ako. Ano itong kuryenteng ito? Bakit may ganito akong nararamdaman? At ako lang ba ang nakaramdam nito? O pati rin siya?

'Hey angel! I am not crazy!' nanlaki ang mga mata ko. Ang tanga ko talaga! Chinese nga pala ang isang ito kaya alam niya ang salitang sinabi ko na natutunan ko sa isang customer dati na Chinese rin. Siyaw-siyaw meaning baliw sa Chinese language. 'I just want to know you more and be with you. Please huwag mo naman akong iwan dito angel! I don't have any company tonight, mag-isa lang akong nagpunta dito!'

High & Untouchable Gods Society -ARES TIMOTHY LI (GOD OF WAR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon