CHAPTER 4: ROSE AND PAPER

192 24 7
                                    

[α•n]--; Hey Chromes! So ano. Sinong bet niyo? Si Ethan ba, si Chron, si Zion, si Zywon, o isa sa mga miyembro ng Night Owl? Pili na. Wag mag-agawan, marami naman sila eh haha. And hell yeah, help author sa mga typos! Pa comment na lang if you see one then mention me. Love you Chromes. Spread the love everybody~

By the way, Hi to XieverXX :'>

Votes and Comments are highly recommend!

Chapter 4: Rose and Paper

Napatingin si Sapphire sa isang bahay. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung saan niya hahanapin ang sinabing kapatid daw niya.

.

Hindi naman kasi siya kumbinsado sa sinabi ng kaniyang ama. Ngunit kinukumpirma niya naman kung nagsasabi ba ito ng totoo o hindi. Lalo nat't wala talaga siyang tiwala rito.

.

Clueless siya sa mga panahong ito. Kahit ni katiting ay wala talaga siyang makuhang mga impormasyon. Ni hindi niya alam ang eksaktong lokasyon ng tinitirahan ng kapatid niya, Kung ano ba ang pangalan nito, At kung maayos lang kaya siya ngayon?

.

Pano ko siya mahahanap? Kung kahit na onti ay wala akong nalalaman na tungkol sa kanya. Ni pangalan ay hindi ko alam.

.

Ayaw naman niyang itanong sa tatay niya ang tungkol don. Lalo naman sa nanay niya. Unang-una ay baka itanggi ito ng kanyang ina at magsinungaling sa kanya.. At pangalawa..

.

Hindi naman kasi niya pwedeng sabihin basta basta na.. "Oh pa, anong pangalan ng kapatid ko?". Kase alam naman niya ang hihinging kapalit ng ama niya kundi ang pagsali niya sa mafia.

.

Kaya ang kelangan talaga niyang gawin ay kumpirmahin kung nagsasabi ito ng totoo o hindi.

.

Napabuntong-hininga siya. Ano na Sapphire? Hanggang dito ka lang ba? Ni wala ngang binigay na palatandaan para makilala mo ang kapatid mo. Bakit ang unfair?

.

"Sapphire Yu!" napatingin siya sa kanan niya ng may marinig siyang sigaw. Nakita niya ang isang babaeng tumatakbo at tinatahak ang daan papalapit sa kaniya.

.

Si Ronian lang pala. Ang bestfriend niya. Bakit pa kailangang tawagin sa buong pangalan hindi ba? Naiilang kasi si Sapphire tuwing tatawagin siya nito sa buong pangalan niya.

.

"Sapp!" tawag pa nito uli hanggang siya ay tuluyan ng makalapit. Napahawak pa ito sa kaniyang dibdib. Hingal na hingal ito dahil sa ginawang pagtakbo.

.

"Oh, Ano ayos ka lang?" nakangising tanong ni Sapphire. She's teasing her bestfriend. Tinignan siya ng masama ni Ronian. "Buhay ka pa ba? Haha."

.

"Hingal na hingal na nga ko tas pangisi-ngisi ka pa diyan." umarte itong naluluha at nagpupunas ng luha. "Ni hindi ka ba nag CARE sa akin? Wala kang awa! Bestie mo ba talaga ko?" sinadya pa nitong lakasan ang salitang Care.

.

"Andrama mo! Bakit ka ba kasi tumakbo?" tanong ni Sapphire. "Eh ina-asthma ka na nga tas tatakbo ka pa." pahabol nito at pabirong pinitik ang tenga ni Ronian.

.

Napahawak na lamang si Ronian doon sa napitik niyang tenga at sinamaan ng tingin si Sapphire.

His Mafia PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon