The Best Revenge

23 0 0
                                    

Ako si Ingrid Hernandez. 

Minsan na akong nasaktan, naloko, naapi, pinag-laruan, at pinaiyak ng lalaking pinaka-mamahal ko. 

Pero ang mas masakit, pati ang tinuring kong pamilya nagawa sakin ‘yun. 

“Lumayas ka dito sa pamamahay ko! Layas!”

“Ma… Mag papaliwanag po ako. Di ko naman po sinasadya.”

“Anong hindi sinasadya? Lumayas ka! Wala kang karapatang tawagin akong mama dahil hindi kita anak!”

“M-ma, A-anak nyo po ako diba? diba? Kahit araw araw kayong galit sakin alam ko sa sarili ko na anak mo ako.”

“Ang kapal ng mukha mo! Kasing kapal siguro ng mukha mo ang mukha ng ina mong malandi! Lumayas ka!”

Wala akong nagawa… Wala akong nagawa dahil mahina ako. 

Nag paalila ako, nag paapi ako, lahat ginawa ko para tanggapin ako ng kinilala kong sarili kong ina na kahit kailan hindi man lang ako tinuring na anak nya. 

Dahil yun pala ang totoo. Hindi nya ako anak. Nung mga panahong pinalayas nya ako, wala akong nagawa. Hindi ako makalaban.

Isang pag kakamali lamang ang nang yari pero sa isang iglap, nawala sakin ang mga mahal ko sa buhay. 

“C-claudette, sorry na oh. P-patawarin mo na ako, sabihin mo kay mama na hindi ako yung kumuha ng isang libo nya, sige na oh. Alam mo ang totoo, Claudette.”

“Bakit ko naman gagawin ‘yun? Ano ako? Tanga? Ako ang tunay na anak ni mommy kaya ako ang paniniwalaan nya!”

Si Claudette… Ang tinuring kong kapatid kahit hindi nya ako tinuring kapatid. Dahil sa isang libong halaga, nawalan ako ng pamilya. Isang pamilya nga ba ang maitatawag ko sa kanila?

Noong mga panahong walang wala akong mapuntahan, sinubukan kong puntahan si Jeremy. Ang lalaking akala ko minahal at naiintindihan ako, pero nag-kamali ako. Pare-parehas lang sila. Pinag mukha nila akong tanga. 

Kung sino pa yung taong pinaka nakakapag pasaya sayo kahit binabalewala ka nila, sila din yung taong mas makakasakit sayo ng husto. 

Pakiramdam ko mag isa na lang ako sa mundo… Na walang may nag mamahal sakin, at tama ako. Wala ngang nag-mamahal at nag-mamalasakit sa mundo. Pakiramdam ko sinusuka ako ng mundo, pakiramdam ko ako na ang pinaka-malas na babae sa buong mundo, iniwan na nga ako ng mga tunay kong magulang, iniwan pa ako ng lalaking akala ko nag-mamalasakit sakin at akala ko nag mahal sakin. 

Babangon ako. Sinisigurado kong babangon ako at babalikan ko sila. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Best RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon