13

301 12 4
                                    

"Oh my princess!"

"Dad!"

"How do you feel, Amor? May masakit pa ba sa'yo? Oh my God."

"I'm a little bit fine, ma."

Magalaw ang mata ko.

Nakasunod sa kanila ang dad ni Gadz. Natatakot ako, kinakabahan. Ni hindi ko magawang tingnan si daddy Thiago. No, don't come near me. Sigaw ng isip ko.

"Amor.."

Ramdam ko ang paglandas ng luha sa aking pisngi. Stop! Niyakap ko si dad at iyak pa rin ako ng iyak. Ewan, nanginginig ako.

-------

"Bakit? Anong kasalanan ko?! Pakawalan niyo ako dito!" Kahit anong gawin kong iyak ay walang nakinig sa akin.

Alam kong mula noon ay binubully na ako pero never came into my mind na hanggang ganito ang gagawin nila sa akin! This is too much!

Isang lalaki ang nagtatanong kaninang umaga pagkarating ko, nanghihingi siya ng number ko kasi nga daw ay magkaklase kami. I received a message that we are going to do the projects. Nasa third building sila kaya pumunta na ako para makapagpaalam.

Pero mali ang akala ko, a couple of students surprised me. Hindi ko sila kilala. May mga babae din, hinanap ng tingin ko si Martius o kaya ay si Diana, pero wala sila doon.

Mabilis ang galaw nilang nilagyan ng duck tape ang kamay at paa ko. Kaya heto ako ngayon pilit na kumakawala sa lugar na'to.

"Ang ingay mo, nakaka bad trip ka po." Anang isang babae na may katabing lalaki.

Mga kaedad ko lang sila, siguro nanghiram lang sila ng school uniforms.

"Please, hinihintay na ako ng asawa ko. Anong gusto niyo? Pera ba? Bibigyan ko kayo."

Natatakot na ako.

Naglabas kasi yung lalaki ng maliit na kutsilyo. Iba ito sa uri pang bubully sa akin noon. Nanginginig ako. Ayoko nang ganito!

Anak ako ng Senador! Hindi ba nila ako kilala? Hindi ba sila natatakot?! O kaya nila ito ginagawa nang dahil sa politics!

"Gusto lang naman sana naming sabihin sayo na layuan mo na ang asawa mo. Itigil mo na yang ilusyun mong mahalin ka niya. Hindi kasi kayo bagay."

"Isa pa, di ba ikaw naman yung nang akit sa husband mo? Malandi ka girl."

Umiling ako.

Malamang may nag uutos lang sa kanila na gawin to. Hindi ako makikinig sa kanila. Napakapersonal ng mga alam nila, hindi nila ito ginagawa dahil sa pulitiko.

"Babayaran ko kayo, kahit magkano, pakawalan niyo na ako." Nagmamakaawa kong hiling sa kanila.

"Wow! Iba talaga kapag mayaman!"

"Oo nga! Ang arte! Pwe! Mukha neto!"

Sinampal ako noong isang babae na wala man lang akong malamang dahilan. Umigik ako. Oh my god! Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong. Pero nasa third building nga kami.

"Tama na, please." Oh god. "Maawa kayo sa akin." Nanginginig na ang boung katawan ko sa sobrang takot.

"Nye nye! Sege! Pakawalan na ito! Ang ingay eh!"

Napadilat ako ng mata ng pakawalan nga nila ako. Kahit nagtatawanan ang iba ay hindi ko na pinansin yun. Ang nasa isip ko ay kung paano ako makakatakbo. Ang iniisip ko lang ay kung paano ako makakatakas sa kanila.

The Second Time Around Where stories live. Discover now