•Her Point of View•
"Xyra!"
Pagtawag mo sa pangalan ko, automatic na akong napalingon. Ang gwapo mo ngayon. Kailan ka ba hindi naging gwapo? Nasayo na lahat, well joke lang yon siyempre. Magaling ka sumayaw, matalino, kumanta, magaling pang magbasketball.
Crush kita mga 3 years ago na. Oo, grade 6 na ako. Malapit na tayo gumraduate.
Minsan, sinasabi mo, kahit malayo pa yung araw na yon, palagi mong sinasabi na magpapartime daw ka sa either Jollibee, MCDo, or Starbucks. Maarte ka eh. Sa lahat ng nonsense na sinasabi mo, yan lang yung palagi kong naaalala. Di ko alam kung bakit.
"Kailangan mo sakin?" Tanong ko.
"Niyakap ako ng crush ko!" Childish na saad mo. Isang grade 12 yung crush mo. Crush lang naman. Di ko alam kung bakit pero puro 'noona' yung nagugustuhan mo.
3 months nalang at gagraduate na tayo. Maghihiwalay na tayo. Pero siyempre, hindi naman siya yung main reason kaya ayaw ko pang lumipat ng school. Close tayong dalawa, pero siyempre mas close kami nung mga kaibigan kong babae.
Kung tutuusin nga para kaming magkapatid, ako yung ate, pero sa totoo, ikaw yung mas matanda ng 2 months. Ang problema rin, gwapo ka, pangit ako.
Isa ako sa mga mature na taong makikilala niyo. Pero isa rin ako sa mga emotional. Halos lahat kayo sa klase tinuturing akong kapatid, nakakatandang kapatid. Well infact, kalahati sainyo mas matanda sakin.
Nagstart na yung klase. May group activity daw. Kagroup kita. Kahit matalino ka, may pagka baby rin yung personality mo.
Hindi ko pinapahalata na may crush ako sayo, afterall, hindi mo naman ako crush. Nagiiba rin yung ugali mo kapag kasama mo yung mga kaibigan mong puro lalaki. Parang nawawala ako sayo. Pero sa friend group nating mixed, which means both babae at lalaki na magkakaibigan, good boy ka naman. Kaya nga minsan nakakapagtaka kung kaibigan ba talaga turing mo samin, or kung fake lang talaga yon.
Real man o fake, bestfriend parin ang turing ko sayo.
Tumingin sakin si Kris na katabi ko lang, kasama siya sa mixed friend group na sinasabi ko. Siya lang rin yung lalaking nakakaalam na crush kita.
"Bilisan mo, agawin mo yung lapis kay Vince. Masisira yung project natin kapag siya gumawa. Ikaw lang naman yata maayos magdrawing sa grupo natin eh." Sabi ni Sia. Makasalita parang di marunong magdrawing, mas magaling nga yan sakin eh.
"Nilalait mo ba yung sulat ko?!" Tanong ni Vince. Ayan nanaman siya. Matalino nga, magaling nga sumayaw, kumanta at magbasketball, childish naman. Oo, ikaw, si Vince yung crush ko, just so you know.
"Hindi naman joke lang hehehe." Sagot ni Sia.
Sinusulit ko na yung time ko na kasama kayo. Sa 6 years na magkakasama tayo, ngayon ko lang narealize kung gano kayo kahalaga sakin. Ikaw, Sia, August, Kris, Erica, Justin, Jean, Sandra, at Kim. Tayk yung mixed na friend circle. Minsan lang tayo magkahiwalay ng mga section. Luckily, magkaklase tayo ngayon, sa last year nating magakakasama.
Walang hiya na tayo sa harap ng isa't isa. Sa tagal ba nating magkasama magkakahiyaan pa tayo.
So back to the project, tayo nila Kris, Sia at Vince, magkakagroup. Leader ka daw. Kaya nga ang lakas mo umasta na magalaing magdrawing. Kinuha mo pa yung lapis ni Maria, kagroup natin, sa pencil case niyang nakakalat sa sahig.
![](https://img.wattpad.com/cover/155454986-288-k794041.jpg)
BINABASA MO ANG
You (One-shot)
Historia CortaIn which they met again, and that's all, that's more than enough. ~•~ Kim Chungha One-shot ~•~ Language: Tagalog and English ~•~ Date started: July 17, 2018 Date ended: July 17, 2018