Simula

7 0 0
                                    

Author's note:

This is a work of fiction. Any names, character, places, stories or events are fictitious.

Read at your own risk.


Simula

I know i'm not a normal person like the others, and i can't do the normal living that i want because of that. Seeing an evil spirit everyday and accidentally ending a person's life by just touching their hands is a burden to me.

Hindi ko alam kung gaano kalaki ang kasalanan ko noon at kailangan kong magdusa ng ganito ngayon. Mas ayos pa ang makakita ng nakakatakot na mukha na mga hindi nakikita ng iba kaysa sa makapatay ng inosenteng tao na hindi ko naman sinasadya. If i could just kill my self then i will, pero hindi ko magawa.

One time, when i was really tired of everything, I attempted to took many sleeping pills, pero nakatulog lang ako ng dalawang araw and i tried jumping into a bridge but whenever i fall i just woke up in my bed. This ability is not a blessing but a burden for me until now.

Mangkukulam, sinumpa, masamang espiritu, malas, you name it. Lahat ata ng maligno na nasa mundo inakala nilang ako. Pero mismong sarili ko hindi alam kung ano ba talaga ako. Wala akong mahanap na sagot sa bakit ko, kahit mismong sarili ko hindi kilala.

Palagi akong gumigising na hingal na hingal, na para bang may ginawa akong nakakapagod kahit wala naman talaga. Inaantok din ako palagi kahit na maaga naman akong natutulog. Para bang hindi naman talaga ako natulog ng gabi at may ginawa ako. Hindi ko alam kung bakit nangyayari sakin ang ganon. Mas lalo ko lang tuloy napaniwala ang sarili ko na hindi ako ordinaryo.

Mas lalo lang akong naguluhan dahil sa isang misteryosong lalaking muntik ko ng mapatay dahil sa abilidad na hindi ko naman hiniling. Lumitaw siya habang hinahanap ko ang sagot sa mga bakit kung bakit ba ako ganito. Mas lalo lang naging kumplikado ang lahat ng tawagin niya ko sa pangalan hindi naman ako ang may-ari. Naniniwala ako na nasa kanya ang sagot sa mga bakit ko, at pakiramdam ko kilalang kilala na niya ko higit sa pagkakakilala ko sa sarili ko.

"'Wag kayong lalapit d'yan sa sinumpaang babae na 'yan." Taas kilay na sabi ni Unique. Agad nagsilayuan ang mga kalaro ko sakin. Gusto kong magpalamon sa lupa dahil alam ko na kukutsahin na naman nila ko. Hindi ko na mabago ang paningin nila sakin.

"Paano mo naman nasabi 'yan?." Nagtatakang tanong ng isang babae na parang kanina ay nakangiti lang sakin ngayon ay gusto na kong isuka. Katulad nang inaasahan ko isa din sila sa mga taong takot sakin. Kahit ako din siguro sa sarili ko ay matatakot ako.

"The janitor guy who helped her to get up touched her hand and then got killed by this evil witch." Galit na sigaw ni Stephany at saka diniinan ang pagbigkas ng Evil witch. Agad naman sila nagsitilian. Kita ko sa mukha nila ang takot sakin. Nakakaawa ako, naaawa ako sa sarili ko. Kasi hindi ko mapagtanggol ang sarili ko dahil posibleng ginawa ko nga ang bagay na'yon.

"Evil wench."

"Bad spirit."

"Mamatay tao ka."

Sigaw nila sakin habang papalayo ng papalayo sakin, habang papalayo sila ay palabo ng palabo ang paningin ko dahil sa nagbabadya kong luha.

Hindi bako pwedeng maging masaya? Mamuhay ng normal? At mawala ang abilidad na hindi ko naman hiniling.

"Sumama ka nalang kasi samin." Sabay tawa ng matining na boses ng babaeng duguan ang mukha. Mas lalo akong humagulgol sa pagiyak at napa upo sa sahig ng manlambot ang mga tuhod ko.

Gusto kong sumama, pero hindi ko kaya.

"Umalis ka na." Sabi ko at saka tinakpan ang mukha ko ng kamay ko habang humahagulgol sa pasilyo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Zagan: The Fallen GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon