Chapter 2

11 2 0
                                    

Kylie Ayesha Perez

Ten hours ang naging byahe bago ako makarating sa White Island.

Pagkatungtong na pagkatungtong ko palang sa lugar parang inalis na nya agad yung pagod ko, somehow parang kinukuha na nya lahat ng hinanakit na nasa puso ko.

This is the perfect place for me.

Yesssss after how many months nakalaya din ako, ang sarap pala sa pakiramdam.

Pero di parin maalis saakin na wala na yung mommy ko at yung pagpalit sakanya ngayon ni daddy.

Pumunta na ako sa resthouse nila di ko alam kung ilang araw ako rito, di ko alam kung aabutin ba ako ng linggo, buwan, o taon sa pag-iistay dito. I just want to be free, free from everything that's bothering me.

Nang makapasok ako sa designated room ko inayos ko na agad yung gamit ko. Maluwang yung room, very refreshing yung theme, tas tanaw din dito yung view ng dagat.

I've never imagine na mapupunta ako sa ganitong lugar knowing that I'm a busy person. Myghad nakakapagod pala ang haba din ng naging byahe ko, naligo muna ako bago ako lumabas ng room ko.

Pagkabukas ko ng room ko may biglang lumapit saaking guy

"Hi bago ka lang dito? I mean ilang days ka na dito sa isla?" Sabi nya ayoko sana syang pansinin kaso may nag-uudyok saiin na kausapin sya

"Uhmm hello, no kadarating ko lang" I said

Mukha naman syang mabait, wala naman sigurong masama kung makakasama ko sya diba

"Where are you going?" Tanong nya, bakit ganon bat ang komportable ko sakanya

"Jan lang sa labas magpapahangin" sagot ko naman

"Can I join you? " tanong nya then he smile at me

"Okay para narin may makasama ako" sabi ko sakanya saka kami naglakad papalabas ng rest house

Ang gaan talaga ang pakiramdam ko sakanya kahit na di ko pa nalalaman kung sino sya at kung ano ba ang intensyon nya saakin

Nang makalabas kami ay dumiretso kami sa dalampasigan tapos naupo kami don. Ang ganda ng view ng dagat idagdag mo pa na malapit ng mag-sunset.

"Anong dahilan mo at pumunta ka dito?" Tanong nya

Should I tell him or not?

"Do you really need to know?" Tanong ko sakanya bakit nga ba sya tanong ng tanong pero di ko pa naman sya kilala

"I'm sorry masyado na yata akong naging feeling close" sagot nya hays konsensiya nga naman binabagabag na naman ako

"Not really kaya lang kasi kanina pa tayo nag-uusap pero di pa naman natin kilala ang isa't-isa" sabi ko sakanya at napangiti naman sya agad

"Oo nga no hahaha masyado kasi akong nadistract sa kagandahan mo" sabi nya arghh nakakainis naman tong lalaking to bat gumaganon

"Stop flirting me" I said

"I'm not flirting you I'm just telling the truth, by the way I'm Shawn Travis Montenegro" sabi nya sabay lahat ng kamay sa harapan ko

"Kylie Ayesha Perez" sabi ko then nakipag-shake hands ako sakanya

"Nice meeting you Kylie" sabi nya ang sarap naman pakinggan ng kylie, sya palang kasi yung tumawag sakin non kasi lahat ng nakikilala ko ayesha lagi yung tinatawag sakin

"Same to you Travis" sabi ko sakanya

I'm really comfortable with him, kanina palang ng nag-usap kami I already feel that I'm safe with him.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 09, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Under The Night Full Of StarsWhere stories live. Discover now