Prologue

41 1 14
                                    

"Aya? Nandyan ka ba?" rinig kong tawag ni megan.

"Bakit? Anong kailangan mo?" tumayo ako at pinagbuksan sya ng pinto.

"Pinapatawag ka na, naghihintay na sila sayo." tumingin ako sakanya na blanko ang ekspresyon.

"Susunod ako." sagot ko. 

"Ready ka na ba? Marami nang dumating oh, tiba tiba ka ata ngayon!" aniya.

"Pakihintay ako sa baba. Magbibihis lang ako"

"Sige marami rami sila. Kayanin mo sana." ani Megan.

Tumalikod na ko at narinig kong umalis na rin sya. Nagbihis ako ng maikling shorts at tube.
Ngayong gabi, marami rami akong makukuha. Pero sisiguraduhin kong wala silang makukuha sakin.

Unit 640
"Pare mukhang bago 'tong nkuha mo ah?"

"Oo naman. Bagong bago yan. Wala pang nakakauna."

"Buena mano tayo ngayon pare. Bibinyagan natin yan."

"Swerte naman mukhang masarap 'tong isang to ah!"

"Ako mauuna ha!!"

"HAHAHAHAHAHA sige pare ikaw na!"

Rinig na rinig ko ang usapan at ang halakhakan nila. Malalagkit ang mga titig nila habang sumasayaw ako sa harapan nila. Maya maya lamang ay naramdaman kong papalapit sila at paunti-unting hinahawakan ang bawat parte ng katawan ko. Sinimulan nila akong tanggalan ng damit pangitaas. Ngunit agad kong binawi ang kamay kong hawak hawak nila at ibinalibag sila sa sahig.
Rinig na rinig ko ang daing ng dalawang lalaki. Ang isa pa ay gulat na gulat sa ginawa ko.

"Aba't ang lakas ng loob mong manlaban, akala mo kaya mo kami? Pwes humanda ka!" ani ng lalaking nakatayo sa harapan ng dalawang lalaking nakahilata sa sahig.

Agad syang tumakbo papalapit sakin at aambangan ng bigla kong hugutin ang karayom na nasa kaliwang sapatos ko at isinaksak iyon dito. Agad namang bumula sng bibig ng lalaki at tuluyang binawian ng buhay dahil sa lason na nakahalo sa karayom na itinusok ko. Agad kong hinigop mula sa kanyang bibig ang enerhiyang nagmumula sa kanyang kaluluwa. Nanuyo ang katawan nito at naging abo. Ganon din ang aking ginawa sa dalawa pang lalaki na nasa sahig na ngayon ay wala ng buhay dahil sa isinaksak ko ang karayom na hawak ko. Muli kong hinigop ang enerhiya ng dalawa at naging abo ang katawan nila.

Tumakbo ako sa madilim na eskinita patungo sa bahay namin. Nadaraanan ko ang patay sindi na mga ilaw sa lugar.

"Magaling aya! Magaling!" paulit ulit kong naririnig ang mga salitang iyon hanggang sa makarating ako sa bahay.

Umakyat na ko sa kawarto. Humarap ako sa salamin at nakita ko ang repleksyon ko at ng isang babae. Nakapulang bestida at mapupula ang kanyang labi. Nakangiti sya habang matalim na nakatitig sakin.

"Magaling aya! Magaling hahahahahaa!" umalingaw ngaw sa bawat sulok ng kwarto ang kanyang halakhak.

"Bakit kailangan ko tong gawin?" tanong ko. Tiningnan ko sya ng matalim.

"Hindi mo pwedeng sirain ang kasunduan, kailangan mong gawin yon"

"Nahihirapan na ko!" sigaw ko.
"Bakit? Bakit kailangan kong pumatay?" dagdag ko.

"Dahil ito ang paraan para patuloy kang mabuhay" sagot nya.

Sa isang iglap ang babaeng nakapulang bestida ay naglaho sa dilim. Nakita ko pang gumilid ang kanyang labi bago tuluyang umalis. Naiwan akong lumuluha at naguguluhan. 'Di ko lubos maisip kung bakit yun ang dahilan.
Pero.. 
Kailangan kong mabuhay...

Her SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon