Simula

21 2 0
                                    

"Sumama ka sakin aya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Sumama ka sakin aya." nakalahad ang kamay ng isang babaeng nakapulang bestida. Di ko gaanong maaninag ang kanyang mukha. Malabo ang paligid at tanging tinig lang nya ang naririnig ko.

"Hindi. Ayoko" pagtanggi ko.

Humalakhak ng pagkalakas lakas ang babae at pumitik sa hangin. Agad na lumitaw sa aking gilid ang dalawang anino. Itim na anino. Hinihila nila ang braso ko at tila hinihigop ang katawan ko. Di ako makahinga. Wala na kong makita ngunit rinig ko parin ang pagtawag ng babae.

"Aya sumama ka na. Bubuhayin kita. Ibibigay ko sayo lahat ng nais mo. Sumama ka sakin."

"H-hindi maaari. Hindi ako patay! At walang dahilan para sumama ako sayo." tugon ko habang nakapikit parin. Di ko maimulat ang aking mga mata at tanging kadiliman lang ang aking nakikita.

"Nakalimutan mo na aya?  Patay ka na HAHAHAHA" Humalakhak siya ng napakalas. Wala akong ibang narinig kundi ang kanyang nakakatakot na pagtawa.

"H-hindi. Hindi pa ko patay." sigaw ko.

Biglang nagliwanag ang paligid at iminulat ko ang aking mga mata. Nasan ako? Gubat? Anong ginagawa ko rito? Parang nakita ko na to dati. Bakit parang nangyari na to? Hindi ko maalala.

May narinig akong mga batang nagtatakbuhan at nakarinig ako ng mga bungisngis sa di kalayuan.
Natanaw ko ang batang babae na nasa may puno. Nagsimula na siyang magbilang. Nakatayo lang ako sa tabi ng malaking puno sa tabi ko. Anong ginagawa ko dito? Sino tong mga batang nagtatago rito? Sa palagay ko hindi ako nakikita ng isang batang nagtatago dahil nasa likuran lang niya ako at di kinikibo.

"Tagu-taguan maliwanag ang buwan! Pagbilang kong sampu nakatago na kayo" malamig at nakakatakot ang pagkakasabi ng bata. Tinititigan ko lamang siya habang ang dalawang bisig nya ay magkapatong sa puno at nagsimulang magbilang.

"Isa"

"Dalawa"

"Tatlo"

Hindi ko namalayang may humila sakin paupo. Nakita ko ang batang lalaki na may bughaw na mga mata. Pamilyar sakin ang mata nya. Di ako pwedeng magkamali. Kapareho niya ang mata ni Theo. Sya ba ang batang ito?

"Wag kang maingay ate. Baka makita nya tayo" bulong nito. Nagkamali ako. Nakikita nya pala ako. Ksilangan kong malaman kung siya nga si theo.

"T-Theo?" nauutal kong tawag sakanya.

"Kilala mo ko? Ako nga si Theo" biglang bumagsak ang mga luha ko. Di ko alam kung san to nanggaling. Kinapa ko ang pisngi ko st pinunasan ang luhang tumutulo.

"A-anong pangalan n-ng batang y-yon?" itinuro ko ang batang nasa may puno at sa palagay ko siya ang taya.

"Ah. Sya ba? Siya si Aya Sinclaire, matagal ko na syang gusto. Kaso masyado pa kaming bata para sa ganun." muling tumulo ang aking luha at di makapaniwala sa nangyayari. Hindi ako pwedeng magkamali. Ako ang batang yon. Ako yon bago ako tuluyang mawala sa mundo at mamatay. Bakit? Bakit ko to nakikita?

"Nasan ba ko? Bat ako nandito?" tanong ko sakanya at umaasang masasagot nya ko.

"Hindi ko alam ate. Nakita lang kita rito. Hindi rin kita kilala eh" humarap sya sakin at ipinatong ang kanyang hintuturo sa labi niya. "Shh ate nandyan na sya".

"Walo"

"Siyam"

"Sampu"

Tumakbo ang batang Aya at hinanap ang kanyang mga kalaro.

"Nasan na kayo~?" malumanay na tinig ng bata. Natatanaw ko ang bawat pagtakbo at paglakad nito sa maliit na butas na narito sa pinagtataguan namin.

Ang batang Theo naman ay nakabaluktot ang katawan upang hindi talaga makita. Nakita kong tumigil sa paglalakad ang batang Aya. May kausap siya. Ngunit wala akong ibang nakikita kundi siya at ang malaking punong kaharap nya. Nagsasalita siya ngunit wala akong marinig. Masyadong malayo ang distansya naming dalawa kaya naman di ko siya marinig.

nakita ko ang isang babaeng nakaitim.  Nasa likod iyon ng bata. At isinaksak rito ang maliit na bagay. Nang maaninag ko kung ano iyon. Nakita ko sng isang karayom. Agad na bumalagta ang bata sa lupa at isang halakhak ang ang umalingaw ngaw sa  buong paligid. Tila naestatwa ako sa kinatatayuan ko ng biglang lumitaw ang kaluluwa ng bata at umiiyak habang nakatingin sa kanyang katawan. Naglaho na parang bula ang itim na babae.

Sinubukan kong tumayo ngunit napako ako sa kinatatayuan ko. Wala akong magawa. Hindi ako makagakalaw. Maya maya lamang ay hinigop ng itim na aura ang kaluluwa ng batang nakatayo sa kanyang katawan. Sumigaw ako ngunit walang boses ang lumabas. Tiningnan ko ang batang katabi ko na ngayo'y nagmistulang bato at hindi na kumikibo. Anong nangyayari?? Naglakas loob akong tumayo at pupuntahan ko sana ang katawan ng bata ng biglang dimilim ang lahat.

——

Napamulat ako at iginala ko ang aking paningin. Kwarto? Nasa kwarto na ko? Panaginip lang pala yun. Masamang paniginip. Pero parang totoo. Nakita ko ang sarili ko bago mamatay. Nakita ko yung buhay ko ng wala pang kumokontrol. Si Theo. Wala na kong balita mula ng muli akong nabuhay. At walang ibang nakakaalam non kundi ako at ang babaeng nakapula. Ibang katauhan ang kinapapalooban ko. Ibang katawan at katangian. Kaya ang alam ng iba patay na si Aya Sinclaire.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 18, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon