Entry #3

8 0 0
                                    

Dear Stranger,

                          Nagulat ako kanina, akala ko inaatake na ako sa puso.. yun pala, papalapit ka na. I took a glimpse of you. It was so hard not to look at you.. Gusto sana kitang tanungin kung okay ka lang? Kumain ka na ba? Kaso baka magulat ka at hindi mo naman ako sagutin.

                          Sabi ko pagod na ko. Pagod na kong isipin yung mga what ifs natin. Kaso unconsciously nagagawa ko pa rin. Hindi ko alam. Inaaway ko na nga yung sarili ko para lang tigilan ko na ang pag iisip nang mga paano.

                           You look good by the way. I can see you're still coping but I know you're strong. I just hope na may napag sasabihan ka ng nararamdaman mo. I want to be that someone but we both know na hindi pwede. This world doesn't want us to be together even as friends.

                           Sana kahit isang araw pumayag ang tadhana na makasama kita. Kahit isang araw lang. Kahit ilang oras lang. Ikaw at ako lang. At sana sa araw na yon may lakas ako ng loob na ngitian ka nang walang halong kaba, kausapin ka nang hindi naiiyak at naduduwag. Sana. Sana talaga.

                          Oo nga pala, kanina nung tinignan kita, binulong ko sa hangin yung mga salitang mahal kita.

-A

The One I can't ForgetWhere stories live. Discover now