Killing 1

4 1 0
                                    

"Hi Alex! Nakapag register ka na ba sa darating na Seminar Training?"// tanong ng kaibigan nya..

" Oo naman Alliyah! I can't miss this!"// jolly na sagot naman nito sa kaniyang kaibigan

"Obvious nga babe"// ngiting sagot ni Cat o Cathy kung tawagin. Siya ang dancer at singer sa kanilang magkakaibigan. Marami syang tawag sa mga best friends nya tulad na lamang ng babe, baby, bro, bhe, bakla at marami pa.

"Tigil na guyz! Excited na excited kayo pero mamaya baka hindi pa pala kayo nakakapag-ayos ng mga gagamitin niyo"//- sermon naman ng kaibigan nilang si Reign. She is Rose Reign, ang tumatayong ate sa kanila at pinaka-mature mag-isip.

" Ayt! Oo nga pala! Yung mga luggage ko"// ngiwing sagot Ni Alex sabay na napapalo sa kaniyang noo na ikinabaling ng lahat ng kaibigan niya sa kaniya na nanglalaki ang mata at laglag ang mga panga

"You mean hindi ka pa nakapag-impake?!"// sigaw ng halos lahat ng kaibigan niya. Sobrang sama ng pagkakatingin ni Reign sa kaibigan na napapakamot nalang sa ulo na naka peace sign pa sa kanila

"Lagi ka nalang na last minute kung mag-impake Angel Alexandra! Ano na naman ba ang problema at hindi ka nakapag-impake?"// kunot na kunot ang noo na tinanong ni Reign sa kaibigan na para bang pinag-iisipan kung sasakalin ba niya ito

"Sorry.. Eh kasi naman hndi ko alam kung ano ba talaga ang dadalhin ko eh. Dalhin ko na lang kaya lahat ng gamit ko?"//- Alex

"Dalhin mo lang yung talagang kailangan at importante. Wag ka na masyado magdala ng mga unnecessary things. Mamaya baka mangyari na naman ang mga nangyari noong nag camping tayo."//-pangangaral naman ni Alliyah sa best friend niya. Sa nakaraang camping kasi nila ay binitbit ng kaibigan lahat ng mga kagamitan niya kaya naman sobrang dami at bibigat ng bagahe nito. Naaawa naman sila kaya lagi nila itong tinutulungan.

" Oo nga bes! Wag ka na namang magdala ng mga De latang pagkain, Bigas, Extension wire, screwdriver at kung ano pa"//- paalala naman na sabat ng kaibigan nilang si Miyuki. Siya ang anti social sa kanila. Hindi ito mahilig makihalubilo at mga best friend lang niya ang kaniyang pinakikisamahan.

"Yuki naman eh! Wag mo na ipaalala pa sakin yun"//- nahihiyang saway pa ni Alex sa kaibigan.

" Ano ba! Hindi lang kayo ang nandito! Ang iingay niyo!"//- asar na saway ng classmate nilang si Heather. Inirapan pa sila nito ngunit parang walang narinig ang magkakaibigan at itinuloy ang pagkukulitan......

____________________________________

"Sky Luna besh!!!!"//-malakas na sigaw ng babaeng malawak na nakangiting tumatakbo papunta sa kaniyang kaibigan. Dahil hindi ito nakatingin sa daan ay muntik nang madapa at masubsob ito dahil sa pagkatalisod ng naapakang bato kung hindi niya lang nabawi ang kaniyang balanse.

"Wag ka ngang tumakbo Nixzelle Star! Ang tanga mo talaga!"//-kunot noong pangangaral ni Sky Luna sa kaniya.. Sila naman ang weirdong magkaibigan. Total opposite kasi pero makikita mong kahit na sinasabihang tanga ni Sky Luna si Nixzelle Star ay mahal niya ang best friend niya. It's just her own way to show her love and care for her.

" Grabe ka naman Bespreng Sky Luna! Walang ka-filter filter ang mga salita mo! Ang hard mo sakin! I thought you love me! Where's your sisterly love for me bes!"- pagdadrama pa ni Nixzelle Star..

"Tigilan mo ko Nix. Wala ako sa mood. Baka ihagis kita sa pinakamalapit na bulkan"//-poker face lang siyang sinabihan ng kaibigan na ikinadismaya niya.

" Lagi ka naman kasing wala sa mood eh Luna! Don't you love me anymore??"//- nakapout na tanong ni Nix sa best friend at lumingkis pa ito sa braso ni Luna.

"Stop your drama Nix. I love you oki? Kaya tara na at late na tayong makakapag-register para sa Seminar Training"//- pigil ngiting sabi niya sa kaniyang best friend. Siya na mismo ang humila rito dahil baka abutin pa sila ng siyam-siyam kapag di siya kumilos.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 17, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Killing Spree: Seven Deadly SinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon