Noong unang panahon, may isang marikit at nagtataglay ng kaaya ayang kaanyuan dyosa, na nag nga ngalan na buhay.
Sa kanya inatas ng makapangyarihan ang pamumuhay ng mga tao.
Si dyosa buhay ang nangangasiwa sa sanlibutan.
Walang taong nagkakasakit, tumatanda o namamatay sa pag-aalaga nya. Lahat ay kuntento sa panghabambuhay na ipinagkaloob sa kanila.Sapagkat hindi tumatanda ang mga tao nanatili padin ang malulusog at magaganda nilang pisikal na kaanyuan
Ang maamo na muka, makinis at kulay perlas na balat ng dyosa ay madaming nabibighani na kalalakihan. Marami sa mga lalaki ang nagtangka na sungkitin ang busilak nitong puso, ngunit wala pa sa kanila ang hindi nabibigo.Madalas kaiingitan ng mga kababaihan ang paghanga ng mga lalaki sa dyosa. Nawawalan na sila ng mga lalaki na maaaring asawahin dahil sa mas pinipili ng kalalakihan ang buhay na ialay lang sa dyosa.
Samantala sa banda ng dyosa ay nakarating na naman ang isang problemang balita.
Dumating ang isang mensahero nito na pinili nya mismo upang tulungan sya sa pangangasiwa sa mga tao."Dyosa Buhay, marami na naman sa tao ang nagagalit dahil sa tagal ng inyong pagpili ng mapapangasawa" wika ng mensahero na nakaluhod at naka baba ang muka bilang paggalang
"Saan nang galing na ako ay naghahanap ng mapapangasawa? Madami pa akong obligasyon na kailangan gawin at wala pa sa isip ko yan. Tumayo ka na dyan at ako ay kausapin na parang kaibigan lang" Wika ng dyosa na may lambing at nakakahalimuyak na boses.
Tumayo na ang mensahero kagaya ng ipinagutos ng dyosa at muling nagsalita.
"Humihingi ako ng paumanhin dyosa buhay ngunit hindi ko rin mahanap ang pinagmulan ng balita" wika ng mensahero
Sa halip ay muling nagsalita ang dyosa
"Aking kaibigan na mensahero ipagbigay alam mo sa lahat na ako ay magbibinyag bukas ng madaming pares nang pag-ibig upang maipamahagi ko ang mga binhi na regalo ng maykapal" -buhay
"Masusunod po" magalang na wika ng mensahero at nagpaalam na sa dyosa upang sundin ang inuutos nito.
Sa tuwing may bagong binhi na nireregalo ang maykapal si buhay ang nangangasiwa nito at tinatanim sa sinapupunan ng mga kababaihan kasama ang kanilang kapares sa araw ng pagbibinyag. At mula sa prosesong iyon sinisilang ang mga sanggol makalipas ang maraming buwan matapos ang binyag.
Mabilis kumalat ang balita na ini utos ni buhay. Lingid sa kaalaman ng dyosa nagkaisa ang mga kababaihan na suwayin ang dyosa upang ipakita ang pagrerebelde nila. Isa din sa dahilan ay pagkawala ng interes ng kapares nila na binyagan ang relasyon nila.
Maghapon nag antay si dyosa buhay sa lugar ng binyagan ngunit wala ni isang pares ang pumunta, sa halip ay ang mga kalalakihan lang ang dumalo upang makasilay sa kanya. Labis na nalungkot si buhay sa nangyari hindi nya inaasahan na ganito na pala kalala ang pagkawala ng respeto sa kanya ng mga ito.
Ang unang nangyari ay nang pumunta sya sa bayan upang makisalamuha at nag balat kayo upang di makilala ng lahat. Hindi nya sinasadyang narinig ang usapan ng isang grupo ng babae.
"Si dyosa buhay nalang ang maganda sa paningin ng mga lalaki, nasa kanya na lahat. Mukang di maganda na sya ang nangangalaga sa atin, lalo tayong nawawalan ng mapapangasawa" wika ng isang dalagang sa wika ng pananalita ay ilang daang taon ng nabubuhay."Naku wag mo sabihin yan, baka maparusahan ka. Madalas daw napunta dito sa bayan ang dyosa upang pagmasdan at kamustahin ang lugar" wika ng isa sa grupo ng mga babae.
Pinalampas ng dyosa ang kagaspangan ng ugali ng isang babae. Wala syang magagawa kung ganito ang iniisip nila, ang pangalagaan lang ang mga ito ang trabaho nya, 'nasa bathala ang pag pa-pasya'. Wika nya sa sarili'. Alam ni buhay sa sarili kung paano sya hangaan ng mga lalaki ngunit kahit isa sa kanila, ay wala syang pinagtuunan ng pansin, hindi nya pa nararanasan ang umibig o mabighani sa kanila, ngunit mahal nya ang mga tao, pantay-pantay.
BINABASA MO ANG
The Gift (Life To Death)
Fantasymay kwento sakin si lolo na noong lumang panahon may pag-ibig na dahilan ng pagkagulo ng pamumuhay ng tao. yun ay nung umibig ang buhay sa kamatayan..