one

13 1 0
                                    


2018.

"Kayong mga fourth year kayo. Sumusobra na kayo! Sino nagsumbong sa inyo na hindi ako nagtuturo? Na namimili lang ako ng estudyante. Anong karapatan nyo para iparating sa administration na kinakawawa ko kayo?" Bungad nang isang propesor na naghahasik na ng asido ang mga laway sa galit. Kulang nalang dito ang maghahagis ng silya at tumalon sa bintana.. hiling ng mga estudyanteng desperado na ang pagtalon ng propesor sa bintana para kahit papano ay nabawasan ang mabigat nilang pasanin.

Sa kabilang sulok ay blangko lang ang ekpresyon na binibigay ni Sanya habang nagbubuga ng masamang hangin ang guro. Hindi sya kabilang sa mga estudyante na humihiling na tumalon ang prospesor sa bintana dahil alam nyang imposoble yun. Sa halip ay iniisip nya nalang na itulak ito sa hagdanan kapag walang nakakakita.

Sobra sobra na ang ugali ng propesor nilang ito. Kung makapagreklamo na mababa sya sa evaluation ng mga teacher akala mo ay nagtuturo nga. Alam ng lahat ng kaklase nila na si sanya ang habol ng propesor. kaya tuwing dadarating ang bagong sem ay kumukuha ito ng subject kung saan makakapagturo sa kanila. ngunit hindi makuha kuha ang dalaga kaya sa galit ay ibang kaklase ang syinota.

Maganda ang pisikal na anyo ni Sanya. May makikinis at pantay kulay morena na balat, may kahabaan ang buhok na aabot hanggang bewang at maalon alon ngunit hindi buhaghag, ang mga itim at magaganda nitong mata ay may makapal at mahahabang malanding pilantik na pilikmata, may katangusan ang ilong at tamang porma ng labi na bumabagay sa muka. Sa madaling salita, ang ganda ni sanya ay tila isang diwata. kung saan madaming naaakit at naiinggit.

Siniko ng katabi si Sanya upang bigyan ng senyas na tinutukoy ito ng propesor sa mga walang preno nitong salita.

"Yung iba dyan kung maka dedma akala mo kung sinong magaling. Huh! tandaan nyo may araw din kayo" kulang nalang ay banggitin ng propesor ang pangalan nya sa pagmimisa nito.

"Sir. Sino po ba tinutukoy nyo?" Wika ni sanya ng mapuno sa guro dahil lagi nalang nito dinadamay ang reputasyon nya. Pero syempre sa sarili lang nito nawika ang lahat.

Tinapunan na ni sanya ng tingin ang guro na akala mo ay bomba na isang kalabit nalang ay sasabog na. 
Walang ekspresyon padin na muka ni sanya ang sinalubong sa mukang tarsier na guro na mapera lang kaya pinatulan ng gold digger na kaklase.

Napadaan ang tingin ng guro kay sanya. Umarko lang ang kilay ng dalaga dito.

"Tandaan nyo. Walang iyakan kung hindi kayo makakapasa sa subject ko" pagbabanta  ng guro at saka mabigat ang paa na lumabas sa classroom. Sinundan naman ito ng mga alipores nya na halatang sumisipsip lang para makapasa.

Sabay sabay na napabuntong hininga ang lahat ng makalayo na ang propesor at mga alagad nito.

"Sanya may bisita ka" basag sa katahimikan ng isang kaklase ng makitang nasa pintuan ang pamilyar na muka sa kanila.

Tumayo si sanya at hindi inaasahan kung sino ang kaharap. Lumabas ito ng silid upang harapin ang isang makisig na lalaki na nagpabilis ng tibok ng kanyang puso.

Isang matamis na ngiti ang ginawad ng makisig na binata kay Sanya.

Ngumiti pabalik ang dalaga upang iparamdam na nagagalak makita ang kasintahan na ngayon lang muling nakita. Nag o-ojt ang kasintahan nito kaya madalas ay sa chat at videocall sila nagkikita. Sa susunod na semester nila ay si sanya naman ang sasabak sa ojt.
Magkaiba sila ng kursong kinukuha. Si sanya ay Major in History at ang boyfriend nito ay nasa kurso ng medisina.

"Okay ka lang ba love? Mukang pinagiinitan na naman kayo ng prof. Nyo a? Bat di nyo pa ireport?" Pag aalalang tanong ng kasintahan

"Shhhh!! Wag ka maingay Juan! Baka masamain nila ang sinabi mo. Walang magagawa ang pagre report expert yung kwagong yun sa pagbabaliktad ng istorya" pabulong na wika ng dalaga sa kasintahan

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 27, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Gift (Life To Death)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon