Ika'y tumingala. Kita mo ang nagdidilim na kalangitan. Sabay ang pagbuhos ng ulan. Kay sarap pagmasdan. Kay sarap lasapin ang lamig. Ang bawat pagbuhos nito na nagdudulot ng ingay ay tila musika sa iyong tainga.
Gusto mong lumusong sa ulan upang maglaro rito. Ngunit naisip mong baka magalit sa iyo ang iyong Ina.
Tumingin ka sa likuran mo kung na saan ang iyong Inang nakikipag-usap sa isang matipunong lalaki. Hindi mo ito kilala ngunit kita mo na tuwang-tuwa sila habang nagkukwentuhan.
Ibinalik mo ang tingin mo sa kalangitan. Napababa ang iyong tingin sa kalsada. Biglang gumuhit ang ngiti sa iyong labi. Tila ba isang maliit na swimming pool ang iyong nakikita.
Ang pagpatak ng ulan. Parang inaaya ka nitong makipaglaro sa kanila. Hindi mo mapigilan ang iyong sarili. Gusto mo talagang lumusong na roon.
Sinulyapan mong muli ang iyong ina. Hindi ito nakatingin sa iyo. Abala pa rin siya sa pakikipag-usap sa lalaking iyon. Ito na ang pagkakataon. Makikipaglaro ka na!
Walang ano-ano'y tumakbo ka papuntang kalsada. Ang bawat pagbuhos ng ulan ay nagdudulot sa iyo ng saya.
"Oy 'yong bata! Nasa gitna ng kalsada!"
Kasabay ng pagsigaw ng kung sino ay isang malakas na pagbundol ang iyong naramdaman. Ang iyong maliit na katawan ay tila isang bagay na tinapon sa kung saan.
BINABASA MO ANG
Isip
RandomMga kwentong nasa kaniyang isipan. -- This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, livi...