Naaalala mo pa ba mga panahong ikay bata pa. Mga panahong kasama mo pa ang iyung lola. Mga panahong buhay na buhay pa siya. Nung nayayakap,nakakausap at nalalambing mo pa siya.
Mga panahong kasama mo pa siya. Ansayang balikan diba? Balikan ang mga ala alang iniwan niya
Mga ala alang nakatatak sa iyung isipan.. ala alang dun na lamang siya mababalikan. Ala alang iniwan niya para di mo siya makalimutan pero para sakin ding di ko siya malilimutan. Kahit pa siya'y namamahinga na saknyang himlayan. Swerte mo kung buhay pa lola mo. Kaya kung ako sayu wag mong sayangin bawat araw na siya'y kapiling mo. Iparamdam mo pagmamahal mo sakanya habang siya'y nasisilayan mo pa.Dahil pag siya nawala na sa piling mo tiyak halos magunaw na mundo mo.
Mawawala na mga nakasanayan mo.
Di mo na maririnig matatamis niyang tinig.
Di mo na mararamdaman yakap niya sa tuwing ikaa'y nilalambing niya.Naalala ko tuloy ung lola ko. Lola ko na kinalakihan ko. Lola kong wagas kung sumuporta.
Alam nio ba? Ansaya saya lang namin noon.
Ngunit di ko alam bigla nalang siyang nanghina biglang humina kanyang presensya.
Alam nio bang kahit hirap na siya.
Pilit niyang minutawi sa bibig niya
Salitang magingat ka.
Pinilit niya kahit siya'y hirap na hirap na.Hanggang sa dumating ung araw di na nga siya nakpagsalita. Tuluyan ng naglaho lakas niya. Mga ngiti sa labi niya. Tuluyan ng naglaho na prang bula.
Umasa ako na lalaban siya. Umasa ako na gagaling siya. Ngunit sadyang ito na nga lang tlga. Hanggang doon na lamang siya.
Tuluyan na siyang namahinga at bumitaw. Tuluyan na niya kaming iniwan. Namahinga na siya at kilanman di namin siya makikita
Mahirap. Mahirap pero kilangan
Kilangang tanggapin na siya'y nakahiga na saknyang himlayan.Mahirap pero tanging pagdasal nalang ang magagawa. Piliting maging masaya kahit wala na aking lola.
Piliting imulat ang mata na wala na tlga siya.