Nakikita mo ba ngiti sa mga labi niya.
Naririnig mo ba tawa at hagikgik niya.
Dama mo ba sayang dulot niya?
Ngiting matamis.
Tawang nakakapagpasaya sa madla.
Tuwang ipinapadanas niya sa madla.
Ngunit minsan ba.
Nakita mo ba mga luhang pumapatak galing sa kanyang mga mata.
Narinig mo ba bawat pag iyak niya.
Dama mo ba bigat at hirap na nadarama niya.
Sa likod ng tawa at ngiti sa mga labi niya.
Sa likod ng tuwang dulot niya.
May luhang nakatago sa kanyang mga mata.
Luhang tinatago tago niya pa.
Dahil ayaw niyang madama mo lungkot na kanyang nadarama.
Ito lang palatandaan na matatag siya at di papadala sa problemang kinakaharap niya.