Noong una kitang nakita,
Para akong nakakita ng isang napaka-gwapong binata.
Hindi ko alam kung bakit ang puso ko ay ganito
Parang sasabog nlang anumang oras.
Sa tingin ko ay isa nako sa mga biktama ng 'love at first sight'
Na inakala ko ay isang tunay na pag-ibig,
Ngunit ako'y nagkamali...
Nung tinapat ko ang aking nararamdam para sa iyo.
May isang basang 'likido' na dumaloy sa aking pisngi
Nang sinabi mo 'hanggang kaibigan lang ang turi ko sa iyo'
Ako ay natulala at di nakagalaw ng ilang segundo,
Hanggang sa matauhan ako...
Na may pumatak na tubig mula sa itaas
Hindi ko namalayan na ako'y naglakad palabas
Naistatwa roon...
At pinag-masdan ang unti unting pagpatak ng ulan
Na para akong dinadamayan
Pero kahit ganoon,
Ay may isang bagay akong natutunan
Wag padalos-dalos,sa aksyon na iyong gagawin,baka sa huli ay iyong pagsisishan mo rin,at pag ikaw ay nabigo,kailangan mong harapin ang kaparusahan sa iyong ginawa,pero kahit ganoon alm kong malalagpasan mo iyon dahil isa lamang iyong pag-subok,isang pag-subok na susubok sa iyong galing,para talunin ang iyong kalaban na kundi ay sarili mo lang din.
![](https://img.wattpad.com/cover/151335601-288-k67722.jpg)
YOU ARE READING
Poems About How I Feel
PoetryA human with feelings.(the language can be in english or in tagalog)