Mahal Narin Kita [Ep.2 of MPK] ♥

36 1 0
                                    

[AUTHOR'S NOTE: PART TWO PO ITO NG MAHAL PARIN KITA SO YUN, HINDI NA PO SIYA ONE-SHOT STORY GAGAWIN KO NALANG PO SIYANG SHORT STORY, THATS ALL..]

♥ - ♥ - ♥

Pagkauwi ko ng bahay, sumama agad ang pakiramdam ko. Giniginaw na din ako, pumunta si mommy sa kwarto ko chineck niya kung okay lang ako. Pero sa kasamaang palad ay nilalagnat na ako. Pinagpahinga nalang muna ako ni mom, paano na yan di ako makakalaro bukas damn. Ako inaasahan ng team mates ko. Kelangan kong gumaling agad.

Naalala ko nanaman yung nangyare kanina, yung sakit, yung saya, yung text niya, nandoon padin ba siya bukas? sana wala na. Baka humagulgol nanaman ako, baka mas malala pa yung mangyare sakin, open naman ako kay mommy pero hindi ko lang kaya sabihin ngayon dahil natatakot ako. Natatakot ako na baka kung ano ang sabihin niya sakin.

Nakita ko nanaman yung sarili kong umiiyak, para na kong baliw. Itinaas ko yung curtain blades ko and umupo ako sa sofa sa kwarto ko, nagisip isip ako. Ano na kayang nararamdaman niya pagkatapos niyang itext sakin yon? Natuwa ba siya dahil titigilan ko na siya? Impossible naman na masaktan siya kasi wala naman siyang gusto sakin. Aish, ano ba tong pinagiisip ko.

Nag-online ako sa facebook, habang inaantay ko mag-load dahil sa turtle net namin, tumingin lang ako sa buong paligid, tiningnan ko yung binti ko at braso, langya. May pasa ako anlalaki, siguro dahil yon sa pagdagan sakin kanina, ampayat payat ko lang eh yung dumagan sakin? Malaki.

Sinubukan kong tumayo para lumipat sa kama, pero nahirapan ako kasi sumakit na din ang katawan ko. Paano na bukas? Nako wrong timing ka. 

Sa wakas ay nag-load na din ang fb after 124786543 years. Andaming messages.

"Kayo naba ni Silver? Dream come true." 

"Ang sweet niyo kanina, grabe kinikilig ako."

Yan yung ibang message pero nagulat ako ng nabasa ko yuung message niya, "Kamusta kana? Iniwan mo ko kanina. :) Di tuloy tayo nakapagusap ng matagal. May sakit ka daw sabi ni tita.Uminom ka ng gamot ah wag mong papabayaan ang sarili mo."  

Hindi ko alam mararamadaman ko kung magiging masaya ba ako? Or kikiligin ako. Gumaan yung sama ng pakiramdam ko, grabe. Mahal ko padin siya, at kahit ilang beses niyong sabihin na tanga ako! oo na tanga kung tanga. lahat naman tayo nagiging tanga sa pag-ibig.

Ang saya saya ko parang magaling na ko sa lagnat ko, nakalimutan ko lahat ng sakit. Pota, ganyang pala yung napapala kapag taong mahal mo na yung nag-alala sayo. Teka, close sila ni mommy? kelan pa?

"Close kayo ni mommy?" tanong ko

"Oo baket?" sagot niya.

"Kelan pa?" di ako nagatubiling magtanong. I'm very curious about it. Paano?

"Last year. Christmas."sagot niya

"What? yun ba yung time na minessage kita?" sabi ko

"Yep. You need to rest." utos niya.

"Kfine. Goodbye." paalam ko.

Seryoso talaga sila? grabe. I can't. Di ko alam kung matutuwa ba ako o madidismaya. Si Silver at Mommy ko yon. Siyempre baka kung ano pagsasabi ni mommy doon, or worst ni Silver. Juice colored please help me.

I'm going to sleep nalang nga. Para naman makapagpahinga yong utak ko. Pero di ako mapakali sa kama ko siya padin yung naiisip ko. What did he do? Is he my drug? 

I checked again my facebook, may message again from him. I was totally surprised from what I saw from that message.

"I like you Emerald. Sorry for everything. Can I court you? I promise I will never ever hurt you again." that's the freaking message.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mahal Parin KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon