Harrison Academy.
Isa sa tatlong pinakamagandang paaralan dito sa lugar namin. Kadalasan ng mga pumapasok dito ay kung hindi mayaman o may kaya sa buhay ay matalino. May iilan ding nakakapasok dahil sa scholarship.
Isa ako sa scholar na nakapasok sa academy. Hindi naman kami mahirap, subalit ang kaya lang ng mga magulang ko ay ang mapag-aral kami sa ordinaryong paaralan. Kaya naman pinagsisikapan ko na makakuha ng scholarship para makapag-aral sa magandang paaralan.
Sa unang taon ko, nahirapan akong mag-adjust sa mga bagong kaklase ko. Karamihan ay mayaman kaya naman may kanya-kanya silang grupo. Hindi rin sila nakikihalubilo masyado sa mga ordinaryong tao. Hindi ko alam kung ganoon ba talaga lahat ng mayayaman o mga kaklase ko lang.
Ako, bilang isang ordinaryong tao, hindi ko na ipinagpipilitan ang sarili ko sa kanila. Nagkaroon naman ako ng iilang kaibigan kaya ayos na ko dun. At tsaka laging nandiyan si Hannah at Mandy -ang aking naging matalik na kaibigan. Sila ang naging kasama ko sa pag-aaral, kulitan, harutan, at sa kahit anong trip.
Hindi ko makakalimutan ang simpleng pangsstalk namin sa mga crush namin. Minsan nga kapag nalaman namin na nasa library ang mga crush namin, ay pasimple kaming pupunta at magbabasa kunwari. Pero ang madalas ay pag P.E namin. Dahil varsity ang aming mga crush, laging andun sila sa gym tuwing P.E. Ginagalingan tuloy namin lagi. Hindi rin namin pinapalampas ang simpleng pag-aabang namin sa pagdaan nila sa classroom namin. Isa lang kasi ang pagitan ng mga classroom namin.
Natutuwa ako tuwing nakikita ko si Tristan. Siya yung crush ko na sinasabi ko. Ang galing niya maglaro ng basketball. Mahilig kasi ako sa sports kaya naman hinangaan ko siya. Matalino din siya sa pagkakaalam ko. Kaya lang mayaman at lapitin ng mga babae. Kaya hanggang crush lang talaga ako. At higit sa lahat, sa dinami-rami ng nagkakagusto sa kanya, sino ba naman ako para mapansin niya?
Kaya naman Love Life = 0.
Nung second year, nakakalungkot kasi nahiwalay samin si Mandy. Pero ang bruha, ang swerte at kaklase niya si Tristan ko. Grabe talaga, lagi niya pa kong iniinggit na araw araw, makikita niya ang crush ko. Alam ko naman na niloloko nya lang ako sa pagpapainggit kasi andun din naman tlga ung crush niya, tropa din ni Tristan. Pero di ba? Sayang din yun. Ang chance na maging inspired araw-araw. Haay life.
Ano pa nga bang magagawa ko kundi ang tumingin sa brighter side ng life.
Guess what? Kung dati may isang nakapagitan sa rooms namin, ngayon naman magkatabi na ang classroom namin. Not bad. Paglabas lang ng pinto, makikita na din ang loob ng room nila.
Stalker much lang? (admirer pala, di naman ako panget)
Hanggang tingin lang naman ako kay Tristan. Nagpapakwento na lang nga ako kay Mandy kung ano mga gusto niya, anong klaseng tao ba siya. Gusto ko dn siyang makilala personally at makilala din sana niya ako. Pero sigurado hindi niya alam pangalan ko, hindi naman kasi ako sikat. Hindi nga siguro niya alam na nag-eexist ako eh. Nakakainis, feeling ko bawat araw nahuhulog ako sa kanya. Pwede ba yun? Ma-fall ka sa isang tao kahit nakikita mo lang siya? I don't know. Maybe. Because I think it's happening to me.
Love Life =0 pa din. Pwede din naman 1, inspired naman ako.
Third year. Most of them says na ito daw yung pinakamasaya na part ng high school life. Hopefully ganun din maranasan ko dito sa H.Academy.
***While checking on the list of room assignments***
....may himalang nangyari. guess what????
I think magiging exciting ang year na ito.
..
3.Anderson, Harris