AUTHOR'S NOTE and PROLOGUE

31 5 0
                                    

Hello eveyone! First story ko po ito kaya po sana maintindihan niyo nag aking pagkakamali at sana magustuhan niyo po ang aking story..thank you!






PROLOGUE

HETO ako ngayon nagtatatakbo ng sobrang bilis..para akong nakikipagkarera sa mga kabayo...buti na lang at naka converse ako....nakakainis naman malalate na ako!! Eh pano ba naman kasi nagising na ako ng 9:00... yung interview ko ay 10:00 kung kumilos pa naman ako ay sobrang bagal isang oras ako kung kumilos pero ngayon nabawasan kahit papaano ng kalahating oras! Bwiset na alarm na yan di ko man lang narinig!! Tsk! Oo, may interview ako ngayon dahil valedictorian ako nung 4th year highschool inalok ako ng isang scholarship sa isang sikat at mamahaling school.

Ano nga bang pangalan ng school na yon??Ah??Eh?Ih?ah basta bahala na si batman....ang sabi pa nila mga valedictorian lang daw ang pwedeng maging scholar nila pero dadaan muna sa interview pero pag di nila nagustuhan ang mga sagot mo wala ka ng scholar kaya nga kahapon pinractice ko lahat ng magagandang kilos habang ineenterview.

Ohaa!! Syempre di na ako tatanggi pa sayang kaya yun. Tanga ka na lang talaga kung tatanggihan mo pa yun.

Andito na ako ngayon sa may sakayan ng jeep nakakainis nga ehhh...ang tagal dumating ng mga jeep at ang mas malala traffic pa!! Bwiset naman mukhang panget ang araw ko ngayon!

Maya-maya pa nag vibrate ang aking cellphone mula sa aking bulsa.

Athena.......Si Athena Zyreel Biancaflor pero mas tinatawag ko siyang Azy parang mas cool saking pakinggan...siya nga pala ang maganda at mapagmahal kong bestfriend alam kong tatanungin ako nito kung na saan na ako.

"Hello" paunang sabi ko.
"Anong hello hello ka dyan!! Asan ka na 10 minutes na lang magsisimula na ang interview mo!?" Sabi ko na nga ba eh!

>>_<<

"Sasakay pa lang ako ng jeep" kinakabahang sabi ko.
"Ano?!Eh traffic pa naman ngayon.. ilang minuto na lang magsisimula na ang interview mo!!" Okay,galit na talaga sya.
"Tsk! Eh bakit ka ba nagagalit di naman ikaw ang malalate eh?" Kalma lang Akheela baka mag ka wrinkles ka nyan.

"Ano ka ba naman Akheela?! Once na di mo naabutan ang interview na ito, mawawala na ang scholar mo..ang sabi pa naman ng secretary ng head dito sa school masyadong marami ang iinterviewhin ngayon at ayokong masayang ang scholar mo."medyo huminahon na sya ngayon. Tama sya sa oras na di ko maabutan yung interview ko mawawala na ang scholar ko..haaayss

》_《

"Sorry talaga Azy...sige mag LRT na lang ako." may pagkasinserong sabi ko.
"Sige na mag text ka na lang sakin kung nakarating ka na ako na lang magpapaliwanag kung bakit wala ka pa"

Medyo nabuhayan ang kalooban ko. "Salamat talaga Azy sige magtetext na lang ako pag nakarating na ako"
"Ok, bye see you later. Mag -iingat ka ah, love you" ang sweet niya talaga.
"Bye, love you too." At binaba niya na.

Sumakay na ako sa tricycle papunta ng LRT station. Mga ilang minuto ang lumipas nakarating na ako sa station.
"Salamat Kuya" sabi ko sa tricycle driver. "Welcome miss beautiful"sabay kindat pa, pilit na ngiti na lang ang binigay ko tapos umalis na.... eww di kaya bagay sa kanya.

Pumasok na ako sa loob ng station at nakahinga ako ng maluwag ng makitang kakaunti lang ang pasahero.

"30 pesos po ma,am." Sabi ng babae sa counter. "Here" Inabot ko na sa kanya ang bayad at kinuha ang card. Dumiresto na ako paakyat sa tren. Buti na lang talaga at kaunti lang ang pasahero.

Nang makapasok na ko sa loob maluwag pa kaya nakaupo agad ako. Napansin ko ang sarili kong repleksyon sa bintana at ang haggard ko na pala. Inayos ko ang aking buhok at nag lagay ako ng polbo at kaunting blush on hindi ko na kailangan pa ng lipstick dahil may pagka pula at hindi naman dry ang labi ko.

Matapos ng ilang segundo sumarado na ang pinto at umandar na ang tren. Bawat pagbukas ng pintuan ng tren sa iba't-ibang station ay siya ring pagdami ng pasahero. Tiis-ganda lang Akheela..

Maya-maya pa ay may isang matandang pipilay - pilay na pumasok sa loob, sa tingin ko ay mga nasa 80 yrs. old na siya wala man lang nagmagandang loob na paupuin siya kaya naman ay tumayo ako at tinawag si lola.

"Lola, dito po" nakangiting sabi ko. Nagulat ang lola at biglang ngumiti ng matamis sa akin.....ahh nakakagaan ng kalooban ang makatulong. Pagkalapit niya sa akin ay tinulungan ko siyang maka upo.

Nagulat na lang ako ng kunin at hawakan niya ang kamay ko at biglang pumikit na para bang hinuhulaan ako. "Malapit ng dumating ang pinakamagandang regalong matatanggap mo ngunit... dadaan ka muna sa isang misteryosong problema." Nakangiti at may pagkaseryosong sabi ng matanda. Anong pinagsasabi ni lola? Bago pa man ako makapagsalita ay bigla na lang binanggit sa speaker ang station na bababaan ko. "Mauna na po ako lola."pilit na ngiting sabi ko."Mag-iingat ka iha."ngumiti siya sa akin ng makahulugan pero di ko na lang pinansin iyon.

Nang makalabas na ako ay sinulyapan ko ulit ang lola, nakatingin at nakangiti pa rin siya sakin...hindi ba siya nangangalay sa kakangiti? sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalayo na ang tren. Anong bang pinagsasabi ni lola?

Bumalik sa isipan ko ang kanyang sinabi kani - kanina lang.

Sorry po kung late ko na publish ang prologue eheheheh nakalimutan po...peace♡










Strange LoveWhere stories live. Discover now