CHAPTER 1

19 1 0
                                    

Akheela's POV

Nakarating ako sa school ng ligtas at matiwasay puwera na lang sa utak ko na pilit sinasagot ang sinabi ni lola kanina, na sa tingin ko ay di na masasagot pa.

Easton International School...

Naka-ukit ito sa may gate na sobrang laki na sa tingin ko ay makakapasok na walang kahirap-hirap dito ang isang higante.

Wow....nakakamangha naman dito sa loob, sobrang lawak at puno ng iba't-ibang klase ng mga puno at bulaklak. Ang mga ibang bulaklak ay naka-korte ng malaking salitang EIS sobrang malago at sobrang bango. May isang garden doon na may isang fountain at pinapalibutan din iyon ng mga bulaklak.

Sobrang sipag naman ng hardinero ng school nato...pero bakit parang wala namang tao...hmmm

Tumungo ako doon at nakita ang isang gazebo punong-puno rin ng mga bulaklak doon siguro mahilig sa bulaklak ang may ari ng school na ito...mukhang magkakasundo kami haa.

Mahilig din kasi ako sa bulaklak simula ng bata pa lang ako namana ko sa aking ina.

Sa likod ng garden ay may nakita akong isang malaki at kinakalawang na gate, puro lumot na rin ito.

Lumapit ako doon at nakita ang napakalawak na playground pero doon ay wala ka ng makikita pang bulaklak puro puno na lang at mukhang luma na rin ito dahil kinakalawang....mukhang na sunog to ahh...oo , may mga bakas kasi ng itim-itim na parang nasunog.

Maya-maya lang ay may narinig akong isang tugtog mula sa isang gitara. Sa loob iyon, hindi ako nagkakamali.

Hindi ko naririnig ang kinakanta dahil medyo malayo ito.

Papasok sana ako kaso biglang nag vibrate ang phone ko

Shit... si Azy.....nakalimutan kong late na ako at ang sabi pala niya ay mag text ako kapag nandito na ko.

"Hello" pilit pinapakalma ang sarili ko. Kinakabahan sa magiging mood niya.
"Akheela na saan ka na?"nakahinga ako ng maluwag ng malaman na hindi siya galit. "Ahhh... andito na ako sa school, papunta na ako diyan."sabi ko
"Oh sige bilisan mo at hinihintay ka na namin" bigla akong kinabahan....kinakabahan ako sa interview, sana maganda ang kalalabasan. "Okay" yun lang at binaba ko na ang phone ko

Bago pa man ako umalis ay sinulyapan ko ulit ang playground. Bakit kaya hinayaan nila itong mangalawang? At sino yung tao sa loob?haaayss...puro tanong na lang ang nasa isip ko.

Naglakad na ako papunta sa office ng ng head at maya-maya pa ay dumadami na ang mga tao....andito pala yung mga tao akala ko walang tao dito. At bahagya din akong nahiya sa sarili ko dahil ang gagara ng mga suot nila samantalang ako naman ay nakasuot ng isang plane white t-shirt at skinny jeans nakasuot din ako ng jacket dahil hindi ko gusto na ineexposed ang skin ko kapag nasa labas ako.

Di ko man lang namalayan na nasa harapan na ako ng pinto ng office.
Lalo akong kinabahan ng sobra-sobra.

Kaya mo yan Akheela...basta maging confident ka lang at magtiwala sa sarili mo. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok

*KNOCK KNOCK*

Maya-maya lang ay bumukas na ang pinto at nakita kong naka upo sa may sofa si Azy nakatingin sa akin at nakangiti ng kaytamis, kalmadong-kalmado samantalang ako dito ay parang magsisikalas na ang mga buto dahil sa sobrang panggangatog .

"Come in Ms. Ferreras."sabi ng secretary ata ng head. Tumango ako at pumasok sa loob.

Head Mistress Reagan Ellis....ang ganda niya naman para siyang isang anghel na bumaba mula sa langit.

"Good Morning Ms. Ellis" nakangiting tugon ko. "Good Morning Ms. Ferreras."nakangiti niya ring tugon "Take a seat" tinuro niya sakin ang upuan sa harapan niya.

Strange LoveWhere stories live. Discover now