It All Started in Prom Night.

3.4K 28 6
                                    

Wala lang. Pumasok sa isip ko yung idea ng prom night eh!!! Hahaha.

So here it is. 

---

- KATHRYN'S POV -

Prom night.

Croo croo. As I expected, wala namang magaaya sa akin bilang ka-date. Sa pangit kong 'to may mag-aaya ba? Kung hindi lang kay Daniel Padilla, hindi ako mag-a-attend ng Prom Night eh. Gusto ko siyang makita. Yung nakaformal siya. Alam ko gwapo siya ngayon, everyday naman eh. I am liking him from a far.

He's not only gwapo kasi, he also got that attitude that makes girls go crazy for him.

Teka, stop na muna. Baka mainlove na ako sa kanya sa kakadescribe ko! Charot. Lantod!

Oh by the way, papunta na kami ngayon ni Julia sa event. I am only wearing a white above the knee dress. Maganda siya, partneran mo pa ng high heels and pair of silver earrings. And I'm only wearing light make up and contacts. I can't wear my glasses now. Medyo bulag kasi ako! De joke. Pero I don't believe that I'm pretty kahit sinasabi ni mom and ni kuya. I'm just so ordinary. At malabo pa sa mata ko ang magkagusto sa akin si Daniel Padilla.

"Bes, ready?" Humawak si Julia sa kamay ko. Buti pa siya maganda. Bat ba hindi niya ako bigyan ng kagandahan?!?

"Yup, ready." Kahit medyo hindi, first prom eh. Kaya medyo kabado.

Sabay kaming bumaba ni Julia sa kotse. Agad kaming sinalubong ni Diego. Ang kadate ni bes. O sige, sila ng magkadate!

Pumasok na kaming tatlo sa event hall. 

Nakatingin lahat sa akin ang mga students. As in sa akin... Ooops. Anong meron? May dumi ba ako sa mukha? o_O

"OMG is that Kathryn Bernardo of III-A?"

"She's so pretty pala!"

"And plus! I love her dress!"

Tama ba 'tong naririnig ko? Pretty daw? Isang napakalaking WEH para sa inyong lahat.

"See? They're all saying you're pretty Bes. Be confident!" Sabi ni Julia sa akin. Ngumiti lang ako. Croo croo.

KathNiel One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon