At dahil medyo matagal na akong di nakakapag-one shot, eto na ulit. Malapit na mag 5k 'to! Kakilig, may nagbabasa pa pala ng one shots ko omg. Tas may nag-a-add parin sa reading list nila. Happy lang. Thanks guys! Hahahaha. Anyway, here you go! Short but sweet. :)
Dedicated sa friend ko. Haha uy eto na yung panaginip mo. Ginawan ko ng one shot! Sorry kung may dinagdag ako ng kaunti. Hahaha. Hope you like it!
-
Daniel's POV
6:30 pm
To: Kathryn
Kath! Labas tayo. Tara KK!
Hindi ko alam kung bakit gabing-gabi na inaaya ko pa si Kath lumabas para kumain ng Krispy Kreme sa mall. Ano nanaman bang naisipan mo DJ! Wag na kaya? Bukas nalang. Baka di pumayag parents nya. Baka mapahiya ako.
DJ, magtatanong ka lang naman. Go on. Send mo na habang maaga pa!
Sent.
Di ako mapakali, lakad ako ng lakad. Pabalik-balik. Sana pumayag. Sana pumayag... DJ! Pumirmi ka nga diyan. Wala naman mangyayari kung magpapanic ka diyan!
*bzzt bzzt*
From: Kathryn
Hi DJ! Wala si Mommy and Daddy. Yey!! But I told Tita na. Punta na dito!
Yes!
Dali dali akong nagbihis at kumuha ng pera. Bumaba na ako para umalis. 6:45 na. 7 nakina Kathryn na ako.
Pagbaba ko ng hagdan, "Hep, DJ. San ang punta aber at nakabihis ka pa?" Naka cross arms na sabi ni Mama.
"Ah Ma, dyan lang po sa tabi-tabi. Uuwi rin po ako agad!"
"Umuwi ka ng maaga. Mag-iingat ka!" Humalik na ako sa pisngi niya at lumabas na ng pinto. Agad na akong sumakay ng tricycle papunta kina Kath.
Pag baba ko ng tricycle, nakaramdam ako ng sunod sunod na patak ng tubig sa ulo ko. Badtrip! Bat ngayon pa umulan?! Sayang ang porma!!
Pero nagbaka sakali parin ako na baka pwede pa rin kaming umalis ni Kathryn kahit umuulan. Basang-basa na ako. Para na akong naligo. Grabe.
"Kath!! Kath!!" Sigaw ko sa labas ng gate nila. Hanep. Basang-basa ako. Sayang ang porma. Ang ayos ng panahon kanina tapos biglang uulan. Nananadya yata eh?!
Nakita ko siyang lumabas ng pinto atsaka bumalik ulit. Saan nanaman pupunta ang babaeng 'yon?! Basa na ako dito oh!
"KATH!"
Lumabas siya ulit kasama ang Tita niya na may dalang payong.
Agad nila akong pinagbuksan ng gate at sinakluban ng payong, "Halika, iho. Pumasok ka muna." Sabi ng Tita niya.
Pinaupo muna nila ako. Hala, nakakahiya. Basa pa naman ako. Napaka wrong timing talaga ng ulan!
Inabutan ako ni Kathryn ng twalya. Kita kong bihis na siya at ready na sa pag-alis namin. "Ano tara na?" Parang ewan 'tong si Kath. Kita ng ang lakas ng ulan, gusto pang umalis. Basta Krispy Kreme, game na game. Ewan ko sayo, Kathryn.
"Gusto mo pa bang umalis?" Tanong ko na agad na sinundan niya ng maraming tango. "Basta talaga pagkain." Ginulo ko yung buhok niya at binelatan naman niya ako.
"Tara na!" Aya niya sa akin.
Lumabas ang Tita niya at sinabing, "Kapag itong pamangkin ko hindi mo naibalik sa bahay ng safe at maayos. Naku... Mahirap na wala pa naman ang Mommy at Daddy niya. Kaya ikaw ang may kargo sa kaniya. Gabi na pa naman." Nakaramdam ako ng takot sa sinabi ng Tita niya. Tumingin ako kay Kath at parang wala lang sa kanya na umuulan parin ng malakas ngayon. Basta pagkain talaga, Kathryn. Marahan akong tumango bilang tanda na ibabalik ko ng maayos si Kathryn sa bahay.
Nagpatuyo pa ako ng kaunti at kami ay lumabas na. Iniisip ko parin kung tutuloy pa kami ng Kathryn o dadalhan ko nalang siya ng Krispy Kreme bukas sa kanila. Tinanong ko siya, "Kath, gusto mo pa bang tumuloy?"
Napaisip siya, "Ikaw ang bahala."
Naisip ko baka magkasakit pa siya kung makikipagsapalaran kami sa malakas na ulan. Kargo ko pa naman siya. Kaya huwag na lang. Marami pa namang oras. Bakit ko pa kasi naisipang lumabas ngayon...
"Kath, sa susunod nalang tayo lumabas. Malakas ang ulan." Nakita kong lumungkot ang mukha niya. "O sige, bibilhan nalang kita ng Krispy Kreme bukas." Nakita ko namang agad lumiwanag ang kanyang mukha. Ngumiti nalang din ako sa kanya.
Pumasok na ulit kami sa bahay.
Dumating ulit ang Tita niya at parang nagulat na andun kami ulit. Ngumiti siya at sinabing, "Ayan ang gusto ko sayo, DJ. Tinetest lang kita dahil nabilib ako dun sa ginawa mo na ibalik siya dito. Naisip mo ang kapakanan niya at hindi ang iyo. Bilib ako sayo." Ngumiti siya at tinapik ang balikat ko. Ngumiti ako kay Kath.
Nagpaalam na ako sa kanila. Pinaalala pa rin sa akin ni Kath yung Krispy Kreme niya. Nako talaga. Basta pagkain. Hahahaha.
Paglabas ko ng bahay ay siyang pagtigil ng ulan. Hayyy. Wrong timing talaga. Umuwi nalang ako...
***
"DJ! Gumising ka na, kakain na tayo." Tawag sa akin ni Mama.
What?! Nananaginip lang ako?!
NAPAKA WRONG TIMING NAMAN TALAGA!!
- THE END -

BINABASA MO ANG
KathNiel One Shots
FanfictionOne Shot Stories featuring Daniel Padilla and Kathryn Bernardo! <3