"I'm coming back to the heart of worship
And it's all about you,
It's all about you, Jesus
I'm sorry, Lord, for the thing I've made it
When it's all about you,
It's all about you, Jesus~"nakataas ang mga kamay ko at naka pikit. Sunday ngayon at nasa church kami ng bestfriend ko. Praise and worship na. Feeling ko ang relax relax at ang gaan gaan ng loob ko pag kumakanta ako. Masaya akong nag pupuri kay God.
Patapos na ang summer at ayaw kong mamroblema sa pambili ng gamit ko sa darating na pasukan dahil wala pa talaga akong pera. Naubos yung ipon ko, sumali ako sa youth camp last last week. Nag enjoy naman ako ng sobra kaya di ako nag sisi. Grade 11 na ako sa darating na pasukan at hayst nvrmnd.
"Uy niknik" kulbit saken ni Caleb, yung best friend ko. Kakadating nya lang dito sa Laguna last week, galing syang Maynila. Tinignan ko naman sya. "Samahan mo ko sa labas bili muna tayong pag kain dali na sandali lang pleaseee" itong si Chugi singgang singga kung kailan mag sisimula na ang service.
"Oona sige na, basta libre mo ah haha?" Sabi ko naman, hehe.
"Hmm oo naman tara" pag kasabi nya nun ay hinila nya ako palabas ng church. Ambad aahh hahaha. Buti nalang dito kami pumwesto sa may hulihan.
___
"Ano bang gusto mo niknik?" Sabi nya sabay lingon sa akin. Nandito kami sa tindahan sa tapat ng church namin. Hays ito talagang si Chugi oh. Mag sisimula na eh huhu.
"Tubig nalang akin Chugi, bilisan mo" tumango sya tsaka nag simulang makipag usap sa tindera, ako naman ay lumayo ng konti.
Nakita ko si Ella na naka suot nung simple sky blue dress tsaka naka shoulder bag na sky blue din tapos naka lugay ang buhok na medyo shiny at kulot tapos naka flat shoes na sky blue din na papasok na sa church nung napa lingon sya sa gawi ko. Nilapitan nya ko na may guhit na ngiti sa labi.
"Monic beshy! Anong ginagawa mo pa dito bakit hindi ka pa pumapasok sa loob, tara na?" Pag kasabi nya nun ay sinilip ko si Chugi sa likod ko at ganun din ang ginawa ni Ella. Siguro na curious hehe.
"Eto hinihintay ko si Caleb bumibili pa eh hehe. Blueng blue ka ah?" tumango naman sya. pag kasabi ko nun ay saktong tapos ng bumili si Chugi at papalapit na sa amin.
"Ahh naka balik na pala ulit sya" sabi ni Ella sakto naman nun ay tumingin ako sa kanya at kita kong namumula ang mga pisngi nya. Halahh nag bablush uyy! Haha!
"Oo Ella, teka bat namum-" di ko natuloy yung sasabihin ko ng biglang.
"Eto na tubig mo niknik" sabi ni Chugi nung maka lapit sya sa amin. Saka napa tingin kay Ella.
"H-hi Caleb" sabi ni Ella. Tss pabebe haha! Tumango naman si Caleb saka ako nihila papasok ng simbahan.
"Tara na Ella!" Sigaw ko. Saka naman nag simulang mag lakad si Ella papasok din ng church.
___
"Hay sa wakas" dinig kong sabi nito ni Chugi pag tapos na pag tapos mag sabi ng 'Amen' (closing prayer) abaugh baliw to.
"Ikaw Chugi ah" sabi ko sa kanya at napa tingin naman sya saken na naka ngiti na halos mapupunit na yung labi sa sobrang banat at palabas na ang gilagid.
"Hihi bakit Niknik?"
"Bakit bakit ka jan" sabi ko saka nag lakad na. Hindi palabas ah? Syempre lalapitan ko muna yung mga staff at pastor at makikipag kamay sa kanila.