Chapter 2

3 0 0
                                    


-KINABUKASAN-

Monic's PoV

Maaga akong nagising nag pray muna ako, nag pasalamat kay Lord at humingi ng gabay sa buong araw. Tapos nun at bumangon na ako at nag hilamos  para mag saing ng bigas. At para nadin bumili ng pandesal sa bakery doon sa kanto. Iyon ang almusal namin tuwing umaga tapos hihigop ng kape.

Nag walis din ako sa bakuran pati nadin sa harapan, tinanggal ko ang mga tuyong dahon sa mga halaman, siguro ay dahil sa sobrang init na panahon. After nun ay diniligan ko lahat ng halaman. At saka pumasok sa loob at ginising si Monica at Mucho.

"MM gising na. Monica gising na tanghali na!"

"Opo ate wait lang" sabi ni Monica.

Nag timpla ako ng milo nilang dalawa at nilagay sa mesa, saktong lumabas ng kwarto ang dalawa at naupo sa hapag kainan. "Kumain na kayo"

Inimis ko sa pinag higaan nilang dalawa. At kumuha ng towel saka pumasok ng banyo, maliligo.

Chugi's PoV

"Gabriel gising na!" Sigaw ni tita at ako yung tinitukoy nya.

"Oho teka!" Bumangon ako at tumingin sa orasan, 10:34 am. Maliligo na ako at kakain saka pupunta na kila Niknik.

Excited na ko! Hahaha!

Monic's PoV

Flashback (5 years ago)

"Nik nik! Anong mas maganda? Etong transformer o etong cars?" Tanong ni Caleb na pumipili ng design sa notebook nya.

"Mas maganda yung plain colors na notebook nalang" walang gana kong sagot sa kanya, hays nagugutom na kase ako. Tapos parang isip bata pa tong si Caleb mag 1st year high na eh. Naiwan yata sa elementary yung utak. "Mag 1st year High school ka na Chugi, di na elementary" pagka sabi ko nun ay nag pout sya.

"Sige na nga" huhu! Nagugutom na talaga ko. Katapat pa naman nito yung jollibee naaamoy ko yung chicken joy! Ganito ba talaga pag gutom? Kahit malayo naaamoy yung pagkain?

"Tara na kase Caleb nagugutom na ako, mamaya ka nalang ulit mamili ang tagal-tagal mo naman ih" sabi ko sabay hawak sa tyan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 24, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's BlindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon