Late

9 2 0
                                    

"Alis na ko." sambit ko at deretsong lumabas ng bahay.

"Ingat sa pagtawid!" pahabol na sigaw pa ni papa.

Eto nanaman! nasa maze nanaman ako pucha... bago talaga makalabas dito sa lugar na ito maraming liko liko ka pang pag daraanan buti nalang at memorize ko na rin ang mga pasikot sikot na daan dito at kung hindi--- jusko baka sabihan pa ako ng 'tanga' nila mama,papa lalo na ang mga kapatid kong pabibo.

At sa wakas nakalabas na rin ako sa maze na puro tae ng aso..ihi ng daga at lalong lalo na ang ipis na pinaka gwapo sa buong mundo yung trip na makakakita ka hihiyaw ka agad. HAHAHA SORRY SA LUMALAMON DIYAN!

Eto nanaman nanaman nanaman sasakay ako ng jeep at hindi ko alam kung saan dapat sasakay.. buti nalang may mga estudyante ring kaparehas ng uniform ko na kasabay ko ngayon at DOON AKO DEDEPENDE!

Oo na! dependent ako,pero ngayon lang naman. BLEH!

I'm strong and independent kase (daw) nagpapaka independent talaga ako ngayong grade 9 na ako dahil transferee ako mag wa one week na wala pa akong kausap man lang kasabayan man lang... okay lang na di kaibigan pero sana naman may kausap ako minsan bumabaho tuloy hininga ako pag uwi.

Habang nasa jeep ako tumitingin ako sa mga dinadaanan ng jeep......parang may mali?

Hinayaan ko lang yung iniisip ko dahil kung maligaw man ako edi naligaw na rin mga kasabay ko?

Pero baka naman baha sa kabilang kalsada kaya hindi doon dumaan.

Palayo nang palayo yung jeep at IBA TALAGA ANG DAAN.

'tandaan mo Cise di lang ikaw ang maliligaw ulul' sabi ng utak ko.

Huminto na yung jeep at bumaba lahat ng estudyante pati na rin ako syempre.

Pagbaba ko ng jeep.




















Eto na nga ba ang sinasabi ko di ko pa memorize ang daan sa school at hindi ko alam kung saan ako papasok neto.

"Guni-guni ko lang ba yung pinasukan ko dati?" parang tangang sambit ko sa sarili.

May nakita akong mga nanay na nagchichismisan sa tabe at dahil di ko na nga alam ang pinasukan ko...

"Ate..saan po ang mga grade 9 dito?" tanong ko.

"Sige lang pumasok ka lang diyan may mga grade 9 diyan." sabi niya sabay turo sa school na may napakalaking gate.

"S-sige po..salamat po"

Hindi pa ako kuntento sa sinabi ng ale pakiramdam ko iba talaga toh..

May estudyanteng babae na nakatalikod sakin eto ata yung kasabay ko sa jeep.

"ate ate" bulong ko sabay kalabit sa likod niya.

"Huy." kahit nakatalikod siya sakin nagsalita parin siya.

Galeng namang kausap ito grabe.

"Ate anong grade mo na? saan mga grade 9 students dito?" tanong ko pero...natangahan ako sa sarili ko kase may niyakap siya sa harap niya MISMO!

pucha! wala pala akong kausap.

Hinyang hiya na ako sa sarili ko kaya nilayuan ko nalang siya...hindi niya naman alam na may batang paslit sa likod niya na nagsasalita.

OO NA MALIIT NA AKO!

No choice na ako kaya pumasok na ako sa school na ito.

Baka naman aaaahhhhh eto yung school namin at may daanan ito mismo sa likod.

LATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon