OS3: LET GO

265 8 2
                                    




ELMO'S POV ONLY            







Sabi nila ang pag-ibig ay walang pinipiling antas sa buhay.




Mayaman ka man o mahirap kapag tunay ang inyong pagmamahalan ay walang sino pa ang makakapagpigil sa inyo.




Sa iba ay totoo ito pero para sa kanya ay mahirap nang paniwalaan..




Akala niya noon ay totoo ito pero habang tumatagal ay namulat na siya. Na hanggat mayaman siya at isa ka lang mahirap ay hindi kayo magtatagpo kahit pilitin mo man lumaban.



Para siyang isang bituin na hanggang tingin ka na lang sa malayo at hinding hindi mo maaring maabot..






——






Una ko siyang nakita sa simbahan kung saan sila nagsisimba kada linggo kasama ang kanyang Nanay noong mga bata pa lang sila.



Magarbo ang kanyang suot, maayos ang kanyang buhok at may magagandang ngiti sa kanyang mga labi.



Sa ngiting iyon ay doon siyang unang unang nahulog. Noong una ay hindi niya pa alam kung ano ang nararamdaman niya. Ang alam niya lang sa mga oras na yon ay humahanga siya sa isang magandang babae.




Simula noon ay lagi na siya nagmamadaling pumunta nang simbahan tuwing linggo. Minsan nauunahan pa niya ang kanyang Nanay.



Gusto niya lang talaga masilayan ulit ang magagandang ngiti nang babae. Hanggang sa mapadako ang tingin nito sa kanya at nahuli siyang nakakatitig nito.


Kinabahan siya akala na niya ay magagalit o matatakot ito sa kanya pero sinuklian rin siya nito nang isang matamis na ngiti.



Para siyang nasa alapaap at dinuduyan siya nang mga oras na yon. Lalo pa ata siyang nahulog sa magandang babae.




Napakaganda niya lang talaga..



Hanggang sa lumilipas ang ilang taon, naging binata at dalaga na sila. May muwang na sa buhay at hindi na inosente sa mga bagay bagay.


Sa pag lipas rin nang panahon ay nahubog lalo ang kagandahan nito at alam niya ring na maraming kalalakihan ang sumusuyo rito.


Habang siya ay nanatiling simpleng binata lang at nakatanaw pa rin sa malayo.



Wala siyang lakas na loob na lapitan ito dahil wala naman siyang mukhang ihaharap rito. Alam niyang mayaman ang pamilya nito, nakikita naman sa ayos nang pagdadala nang sarili nito na masasabi mong may pinag aralan talaga.


Habang siya ay araw araw kumakayod sa ibat ibang trabaho, matustusan lang ang kanyang pag aaral at sa mga pang araw araw na gastusin nila nang kanyang Nanay.



Doon pa lang ay hindi na sila bagay..



Pero hindi niya inaasahan isang araw ay mapapalapit pala siya rito...



Sobrang lakas nang ulan at handa na siya para umuwi galing sa ekskwelahan. Dala dala niya ang kanyang lumang bisikleta ay pasugod na siya sa ulan nang may makita siyang isang nakatayong babae sa kanyang gilid.


At ang babaeng yon ay wala nang iba kundi ang babaeng matagal na niyang hinahangaan.



Mag isa lang ito ngayon pero parang meron itong hinihintay.


THE ONESHOTSWhere stories live. Discover now