Ano bang pangarap mo?
Yan ang palaging tinatanong sa kanila sa tuwing magpapakilala sa unang araw nang eskwelahan.
Masyado nang gasgas para sa kanya ang mga linyahan na sinasabi nang ibang mga bata na katulad niya na balang araw ay sana maging doctor sila para makatulong sa may mga sakit o maging pulis para makahuli nang mga masasamang tao pero para sa kanya isa lang ang pangarap niya...
"Janella Salvador!"
"Present mam!" sigaw nang batang babaeng nasa harapan nila. Hindi niya maaninag ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa kanila.
Napabuntong hininga na lang siya, ganito lagi kapag unang araw nang pasukan kailangan niyo magpakilala sa isat isa. Ayaw na ayaw pa naman niya nang ganito, meron naman silang name plate na nakasabit sa kanila, pasasaan ba magkakakilanlan pa rin sila, bumilang lang siguro sila nang ilang araw ay magiging maingay na ang loob ng klase
"Janella, tumayo ka dito sa harapan at introduce mo yung sarili mo sa mga classmates mo." malakas na wika nang guro nila.
Inaantok na siya talaga gusto na niyang umuwi at makapaglaro na. Kung pwede lang tumakas dito kaso hindi pwede at baka paluin siya sa pwet nang Nanay niya.
"Hi classmates! Ako si Janella Salvador! 7 years old." napadako ang tingin niya sa harapan kung saan nakatayo ang nakangiting babae.
Magiliw itong tumingin sa kanila na para bang kilalang kilala na niya ang buong klase nila.
Ang cute niya..
Hanggang sa mapatingin ito sa kanya. May kung anong kumislot sa kanyang dibdib nang makitang ngitian siya nito.
Ano yun?
"Sana maging magkakaibigan tayong lahat. Nice to meet you all! Mwuah mwuah chupchup!!" bigla siya natawa rito parang kasi itong si Jollibee pabida pabida, masyadong pabibo pero ang cute niya.
Ang cute nang smile niya, ang cute nang eyes niya lalo na nung tumingin ito sa kanya at ang cute nang bangs niya bagay sa cute na mukha niya.
Sabi nga nang mga kaibigan niyang babae kapag humahanga ka sa isang tao, crush ang tawag dun.
Crush is only paghanga nga daw ayon sa mga sagutan sa slumbook nang mga kaibigan niya.
Baka nga crush na niya ang cute na babae na nakatayo sa harapan nila.
"Anong pangarap mo Janella?" malakas na tanong nang guro nila.
Ngiting ngiti ang batang babae nang marinig ang tanong nang guro nila.
"Simple lang po ang pangarap ko.."
Hindi niya mapigilang mapatitig sa cute na mukha nito.
"Ang pangarap ko po balang araw ay maging isang sikat na artista!" bibong bibo na sagot nito. Nagtawanan naman ang lahat pati ang guro nila sa sagot na babae.
Hindi napigilang mapanguso ang babae dahil sa naging reaction nang nakapaligid sa kanya. Mukhang nainis pa ito. Lalo itong naging cute sa paningin niya dahilan para mapatawa rin siya.
"Yun po talaga ang pangarap ko ang maging artista!" inis na sigaw nang babae. Lalo lang lumakas ang halakhak nang nasa paligid nila.
Kita niya na nanunubig na ang mata nito at mukhang malapit nang umiyak.
Bigla siya nakaramdam nang awa. Gusto niya ito puntahan sa harapan para yakapin at sigawan ang mga classmates nila na tinatawanan ito.
"Sige na Janella, maupo ka na." utos nang guro nila. Sumunod naman ang babae pero kita pa rin sa mukha nito na naiinis pa rin ito.