027 》damin《

185 14 2
                                    


"pigilan niyo ko makakasapak ako." napailing nalang ako marinig ko yung boses ni Dream hyung.

"bat ba kasi pinapanuod niyo sila?" tanong ni Wave hyung na busy sa pagkain niya.

Tama nga naman si hyung. Bat ba kasi pinapanuod pa nila yung grupo nila Chelsy habang kasama yung grupo nung Chandler na'yon? tss. kung hindi lang ako gutom, lalayas talaga ako sa cafeteria na'to.

kanina pa kasi ako naiingayan dahil sa malalakas na tawanan nilang lahat. akala mo naman sila lang ang nandito sa caf at kumakain.

"eh nakakabwisit eh! sino ba yung lalaking yon para hawakan ang Jeyn ko?!" nanggigil na saad ni hyung na kanina pa hawak nila Hauxtyn hyung kasi kulang nalang sumugod talaga siya para lang mailayo si Jeyn noona doon sa lalaki.

Di ko naman kilala iyon pero nakakabwisit.

"walang iyo gago." sabat ni Warren hyung. ayun nakatanggap tuloy ng sapok.

"hoy gago masakit yun ah?!" reklamo niya. napailing nalang tuloy kami.

"walang akin? gago walang iyo din. ayun nga't nakikipag tawanan na ang momoxhien MO sa kasama nila. magselos ka lang. WALA DIN NAMANG IYO GAGO." napailing nalang ako sa mga pinagsasabi nila.

"di ka ba nagseselos?" napalingon ako ng marinig kong bumulong si Jun hyung sa tabi ko.

kasama na namin silang dalawa, siya at si Thax hyung. kaya pala wala sila kasi nakipagdate. sus. if i know. si Jun hyung "kinidnap" yung kadate niya. samantalang si Thax hyung "nakidnap" siya ng kadate niya. iyon ang pinagkaiba nila.

"kanino naman?" takang tanong ko.

"dun." aniya saka nginuso yung pwesto nila chelsy.

i squinted my eyes and look deeper on the scenario. hindi ko alam pero bigla nalang nag-init yung ulo ko ng makita kung gaano kasaya si Chelsy kasama yung Chandler na'yon.

ano bang meron sa kanila at ganyan sila kaclose? kahapon pa sila ah? di ba sila nagsasawa sa pagmumukha ng isa't isa?

nakatitig lang ako sa panunuod sa kanila at paranf tumigil ang mundo ko ng makita kung paano masuyong halikan ng Chandler na'yon si Chelsy sa ulo.

"fck!" i mumbled through gritted teeth.

ni hindi ko napansing napatayo na ako. kung hindi pa tumahik ang buong lugar at mapatingin ang lahat sa akin hindi ko pa marerealized na nahampas ko yung lamesa.

naguguluhang nakatingin lang sakin si Chelsy na para bang bago sa kanya iyong makitang magalit ako.

"hoy damin. ano bang nangyayari sa yo?" takang tanong nila hyung pero hindi ko magawang sumagot.

ano nga bang nangyayari sakin?

-

[chelsy] ▫ l.chan||s.cyWhere stories live. Discover now