032 》damin《

159 12 0
                                    

pagpasok na pagpasok ko yung pagmumukha agad nung chandler yung nakita ko. wow naman. ang ganda ng magiging araw ko dahil sa pagmumukha niya. tss. note my sarcasm there.

"hoy, anong problema mo? aga mong nakasimangot?" tanong ni Steven hyung pagka upong pagkaupo ko sa tabi niya.

"wala lang. nga pala, pakopya assignment." ngisi ko sa kanya. sinamaan niya lang ako ng tingin saka padabog na binigay sakin yung notebook niya.

yown! maasahan talaga gumawa ng assignments tong si hyung. masyadong masipag e. palibhasa nagpapapansin kay jeyn noona. sus. may dream hyung na yun e.

"katamad tamad mong gumawa letse ka." angil niya kaya naman tinawanan ko lang siya.

hindi namin classmate sila hyung sa subject na'to kaya wag niyo na silang hanapin. sa totoo lang ako, si Steven hyung at Vlad hyung ang laging magkakasama dahil silang dalawa yung classmate ko sa lahat ng subjects. sila Seven hyung sa ilang subjects lang kaya di kami lagi magkakasama.

maaga pa naman kaya makakakopya pa ako. ewan ko din bat lagi ako maagang pumapasok. well, para makasilay kay charm ko. oo akin lang yon. umagaw sasapakin ko. tss.

"chandler!" napatingin ako dun sa sumigaw. si Demy noona pala. teka bat humihingal siya?

"what's wrong?" sagot nung chandler. edi siya na magaling mag english. psh.

"chan help us please. kanina pa namin hinahanap si Chelsy pero hindi namin makita." napakunot yung noo ko dahil sa sinabi niya.

hinahanap si Chelsy? Hindi ba magkakasama silang magkakaibigan? Paanong hahanapin nila ang babaeng yon?

"nawawala si Chelsy? tinatawagan niyo na ba? Wala sa bahay niyo?" sunud-sunod na tanong ni chandler habang halatang nag aalala.

bakit ba alalang alala sila e baka naman nasa tabi-tabi lang yon?

"yung phone niya nasa bahay. wala siya sa bahay. chan tulungan mo kami please. diba may mga lugar kang alam na baka pinupuntahan ni chelsy. damn it! hindi pwedeng mawala si chelsy! Chan alam mo kung anong kondisyon meron si Chelsy ngayon." frustrated na saad ni noona. halata ring naiiyak na siya.

anong kondisyon ni chelsy ngayon ang sinasabi nila?

may sakit ba si chelsy?

hindi na sumagot si Chandler pero tumakbo na siya palabas kasunod naman si noona.

ano bang nangyayari sa kanila?

"san ka pupunta?" tanong ko kay Steven ng bigla nalang syang tumango at parang aligaga din.

"nagtext si Seven hyung. we need to help them to find chelsy." napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

bakit kami tutulong?

"bakit? nandon naman mga unnies niya para hanapin siya a? saka bat ba hahanapin niyo yung taong ayaw magpahanap? nag- aaksaya lang kayo ng oras e." litanya ko.

tinignan niya lang ako na para bang nababaliw ako. bat na naman ba?

"balang araw magsisisi ka sa mga pinagsasabi mo ngayon. kung makita ko si chelsy na pumasok dito sabihan mo nalang kami." aniya saka tumakbo na palabas ng room.

nakakabwisit!

ano bang meron sa babaeng 'yon at alalang-alala silang lahat?

-

[chelsy] ▫ l.chan||s.cyWhere stories live. Discover now