Chapter 5

14 1 0
                                    

(a/n: Slow updates is due to lack of time and absence of internet connection, please forgive me, tuwing walang pasok lang ako nakakapag computer, at hindi palaging may internet connection)

Pauleen

After our Delicious lunch, hinintay namin si Sir kristoff, ngunit an hour has passed wala parin siya. Nag-aalala na kami dahil baka nakalimutan na kame ni Sir. habang naghihintay kami gumala muna kami ni Jay sa rest house. Akala niya siguro gusto ko siya. nilalapitann ko lang siya para hindi maging boring ang field trip namin. Si Pg nmn palaging may kausap sa telepono, so madalas kaming lang ni Jay ang naiwan sa sala. Ang cold ng environment, parang nasa north pole kame.

"Bakit pala tinanong mo kanina kung bakit third day ang field trip?" nagsalita siya sa wakas.

"Parang unusual kasi, tpus ang mga pinupuntahan natin hindi connected sa topic, except lang yung sa Greek myth, para bang hindi sila ready," sabi ko sabay pout.

tumayo siya mula sa kanyang inuupuan at pinagmasdang mabuti ang mga Frame na naka display. Kinuha niya yung isang frame na may rainbow na color at hinarap sakin.

"May kamukha ba si Sir dito?" Tanong niya, seryoso ang mukha niya kaya sasagutin ko na lang ng maayos.

"Mukhang wala, baka sa ibang picture may kamukha siya," sabi ko.

Kinuha niya yung tatlong natitirang mga frame at nilagay sa mesa na nakaharap sain.

"saan dyan ang kamukha niya?" Seryoso niyang tanong.

Pinagmasdan ko ng mabuti ang mga litrato, ang unang litrato ay mayroon tatlong tayo, isang bata at dalawang may edad na, pinagmasdan ko ang bata, may similarities sila ni sir pero mukhang hindi sila magkamukha. Pinagmasdan ko ang mga matanda, mukha hindi naman ganyan ka tanda si Sir. Tinignan ko ang pangalawang litrato, Solo pic siya at mukhang nasa isang park ang background pero halatang edited. Ang tao sa litrato ay magkahawig sa bata sa unang litrato, pero ang layo sa mukha ni Sir. Ang pangatlong litrato ay may isang kotse na halatang luma na tapos may dalawang tayo sa loob, mukhang bagong kasal, pero gaya ng dalawang litrato walang kahawig kay Sir. 

"Wala, pero baka pamilya niya iyan?" tanong ko

"Kung pamilya niya, bakit wala siya?" Tanong niya.

"Baka inalis niya, pangit niya kasi," Sabi ko.

Biglang bumukas ang Pinto at pumasok si Pg hingal na hingal.

"Kailangan niyo tong makita! Bilis!" Sabi ni Pg, Sabay takbo palabas.

Sinundan siya namin ni Jay at dinala niya kame sa isang balcony na maraming telescope tapos makikita mo ang view ng malapad na kapatagan.

"Ang ganda ng view!" sabi ko.

"Hindi ang view ang pagmasdan niyo, hali kayo dito," dinala kami ni Pg sa isang Telescope.

"Pagmasdan niyo sa telescope ang lungsod ng bacolod," Sabi niya sabay na nilagay ang telescope sa mata niya.

Kumuha kami ng Telescope at sinunud ang utos niya.

"Wala naman akong nakikitang kababalaghan!" Sabi ni Jay.

"yung malapit sa plaza, yung may mga katabing gusali doon!" saby turo niya sa isang lugar na may maraming gusali.

"may fireworks!" Sabi ko.

"Hindi yan fireworks, pasabog yan," Sabi ni jay, napahiya ako doon kaya napatahimik ako.

"Sa tingin ko may riot doon," sabi ni Pg.

"Sana nga," Sabi ni Jay.

"Sana may riot? Sinong tao ba ang may gusto ng riot?" Tanong ni Pg.

Bigla kong naramdaman na parang maiihi na ako.

"Sandali magc-cr lng ako," Sabi ko at tumakbo papunta sa Cr.

Pagkarating ko sa Cr nag madali akong pumunta sa cubicle,

Matapos kong magpalabas ni hinanakit, I flush the Toilet. Tapos lalabas na sana ako pero may nakita akong isang parang button na red, pinindot ko at biglang may lumabas na trapdoor at hagdan sa kisame. Inakyat ko ito at namangha ako sa nakita ko. Sa loob ng atic, mayroong mga lumang bagay na nakakalat sa sahig pero hindi yun ang nagpamangha sakin.Sa kaliwang bahagi ng atic, mayroong isang laboratory pero walang tao. nakabukas ang mga ilaw. lumapit ako sa isang computer."STEM project" binasa ko ang nakasulat sa screen. Ginalugad ko ang kapaligiran. Walang espesyal maliban sa isang tao ispesimen sa gitna ng laboratoryo. Ito ay sa loob ng isang malaking glass tube tulad ng nakita ko sa mga pelikula. Narinig kong tinatawag ni Jay ang aking pangalan. Tumakbo ako papunta sa kanya pero may narinig akong pagsabog. Ang pagsabog ay nanggaling sa kusina. Pinuntahan ko ang kusina at nakita ko si Pg na nakahandusay sa sahig. Sa tabi ng stove, may nakita akong tatlong lalakeng nakatayo at may hawak na baril. Kinuha ko ang kutsilyo sa tabi ko at tinutok sa mga lalaki.

"Anong kailangan niyo?" sabi ko ng malakas. 

GravitationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon