PROLOGUE
“Wake up now. I love you, I love you, I love you,” umiiyak niyang sabi habang hinahaplos ang kamay ng natutulog na kasintahan. “Please, give me a response.”
Nanatili itong nakapikit.
Ilang araw na…
Ilang linggo na…
Ilang buwan na…
May narinig siyang katok mula sa labas ng silid. Hindi man lang siya nag-abalang tumayo upang buksan iyon.
You’re taking back on me, huh?
Makalipas ang ilang sandali ay pumasok ang isang may-edad na nurse. “Good morning, kukunan ko lang po siya ng body…”
Hindi na nito naituloy ang balak sanang sabihin dahil sa isang iglap ay natuon ang atensyon ng babae sa halos isang daang painting na nakasabit sa mga dingding ng malaking hospital room. Iba’t iba ang sukat ng mga iyon. Lahat, iisa lang ang subject.
Siya lang. Ang tanging taong minahal niya.
BINABASA MO ANG
Faceblind
Romance"How could I fall in love with a guy who can never remember my face?" said Sunny, a not so vibrant "heavenly body" but has definitely beautiful mind and a serious case of bitchy face.