Chapter 1

20 0 0
                                    

 

CHAPTER 1

“LOLO, sorry na,” hinging paumanhin ni Sunshine sa abuelo. Halos lumuhod na siya sa pagmamakaawa dahil binantaan siya nitong kukumpiskahin ang condo unit niya kung hindi siya uuwi sa kanilang mansiyon. Hindi niya ito masisisi dahil halos dalawang buwan na siyang hindi umuuwi sa bahay nila sa Biñan, Laguna. 

“If you’re sorry, promise me that you will go home every weekend.” Her grandpa puts emphasis on the word ‘every.’

“You know I can’t promise that, ‘Lo. Ang layo ng Quezon City sa Biñan. Tsaka may prac—” Bigla niyang natutop ang bibig. That was… close.

Mula sa pagkakatungo dahil sa mga binubusising papeles ay biglang nag-angat ng tingin ang lolo niya. “Tsaka ano?” puno ng kuryosidad ang boses nito.

Pakiramdam niya’y bigla siyang pinagpawisan nang malapot. Balewala sa kanya ang malamig na aircon sa loob ng private office nito.

“Org works! I have a lot of things to do on weekends. Tsaka ulirang mag-aaral ang apo mo. Lagi ‘tong nagsusunog ng kilay,” aniya at sinundan pa iyon ng alanganing tawa.

Tumayo ang lolo niya mula sa pagkakaupo sa swivel chair. “Sunny, you don’t study that much,” may kasiguraduhang sabi nito. “Kung ano ang mga natutunan mo sa klase, that’s it! You don’t review your lessons. You don’t make extra effort in everything you do.”

Hindi siya nakaimik. Yeah, she’s guilty of being lazy.

“You’re the exact opposite of Aubrey,” tukoy nito sa kakambal niya. “I just thank God every day because fortunately…” Nakita niya ang kiming ngiti sa mga labi nito, “you’re a genius.”

Genius. Kapag may narinig o nabasa siya ng isang beses ay tumatanim na agad iyon sa utak niya. Tuwing may exams, kadalasa’y hindi siya nag-aaral pero matataas pa rin ang nakukuha niyang marka. Ito ay sa kabila ng pananaw niyang, just study what’s interesting.

Nang makapasa naman siya ng UPCAT, mula sa libu-libong kumuha niyon ay napabilang siya sa top fifty kaya naging oblation scholar siya. She could still clearly remember how proud her grandfather was. Naibalita pa iyon sa telebisyon dahil kilala ang kanilang angkan sa bansa.

Her grandfather, Timoteo Ageles, is the owner and current CEO of GAZE Telecommunications. Sa kabila ng edad ay nagagampanan pa rin nito nang maayos ang tungkulin sa kompanya kaya nananatiling malaki ang tiwala rito ng mga miyembro ng board of directors. Maging siya ay bilib sa kakayahan ng abuelo dahil ito ang nagsumikap para maitayo ang nasabing kompanya. Hinikayat siya ng huli na kumuha ng kursong Business Administration at hindi naman niya pinasubalian ang hiling nito.

Sa unang taon niya sa UP, naranasan niyang maging malaya mula sa mala-prinsesang pamumuhay. Ang totoo, sa kolehiyo niya natagpuan ang tunay na kahalagahan ng buhay mula nang mamatay ang mga magulang nila ni Aubrey. Natutuwa siya sa mga proyektong isinasagawa ng mga organisasyong kinabibilangan niya. Sa tuwing may natutulungan at nakikilala siyang ibang tao, mas nararamdaman niyang may direksyon ang kanyang buhay.

Before, she had a very different perspective of a lot of things. Everything for her was… pointless.

“Lolo Tim, pinupuri mo ba ako, o ano?” may halong birong tanong niya.  

“Ikaw na bata ka! I gave you the freedom you want but you’re overdoing it,” saad nito. “Okay, every other week ka na lang umuwi. I can never win against you,” umiiling na sabi ng lolo niya.

Ngumiti na siya. “Deal!”

Lahat ng materyal o luho na kahit hindi nila hilinging magkapatid ay ipinagkakaloob ng kanilang lolo. Sa ganitong paraan siguro ito bumabawi upang punan ang mga pagkukulang sa kanilang buhay mula nang maulila. Ngunit nasisiguro niyang alam ng Lolo Tim niya na hindi niyon kayang tumbasan ang kasiyahang maaaring idulot ng pagkakaroon ng kumpletong pamilya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 27, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FaceblindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon