1 week na ang nakakaraan since that cheesy and unforgettable proposal. Di na siya pre-proposal, official na!
“Mukhang ang ganda ng mood ng bunso ko ah? Ang aga aga e, nakangiti.” –Kuya
“Engaged kasi e.” –Ate Cy
“E kailan ba ang kasalan?” –Daddy
“Dad, mahabang planuhan pa yun. Tsaka busy pa kami pareho sa kaniya kaniyang business.” –ako
Dito na nga pala ulit ako sa bahay tumitira. Namimiss ko kasi si Kuya, si Daddy at tsaka si Ate Cy. Si Jake naman ang dito tumutuloy. Ang lonely kasi kapag kaming dalawa lang sa mansion nila. Atleast dito samin, kasama namin ang family namin. Okay lang naman kay Jake, para din daw mabantayan niya si Ate Cy.
“Nasan nga po pala si Jake? Paggising ko wala na siya sa room namin.” –ako
“Maagang umalis, little sister. May importante daw siyang aasikasuhin.” –Ate Cy
Kahapon pa siya busy ah. Ganun ba kadami ang ginagawa niya? Ni hindi na kami halos nag aabot. Paggising ko, wala siya. Pag gabi naman, tulog na ako tsaka siya darating.
Huhuhu. Namimiss ko na si babylove ko. Ganito pala talaga ang buhay businessman. Paano kung ako din ganito kabusy? Edi wala na kaming loving loving moments? Aruuuuuu!
My phone suddenly beeped. Kinuha ko kaagad, baka kasi si Jake yun. Baka ayain ako makipag date.
Kaso, asa pa ko. Si Nate ang nagtext sakin. Inaaya akong kumain sa labas. Since, wala naman akong ginagawa, oh sige. Game!
Text ko muna si Jake. Magpapaalam ako. Baka mamaya mamisunderstand niya. Magselos pa.
To: Hubby-babylove:)
Baby labas kami ni Nate ha? Just wanna inform you.
*bzt* *bzt*
Bilis magreply. Himala ah.
From: Hubby-babylove:)
Ok. Don’t do anything stupid ok? I love you.
Tss. Don’t do anything stupid daw. Kutusan ko kaya ng isa to?
Nandito na si Nate sa bahay. Siyempre, pumasok muna siya dito sa loob para magpakita kila daddy at kila kuya. Pinagpaalam din niya ako.
BINABASA MO ANG
Let Us Start With Forever (Forever Your Babylove 2)
RomantikBook 2 of "Forever Your Babylove". Please read it first dahil hindi niyo masusundan to, kapag inuna niyo.