Lianne’s POV.
“GHAD! Bakit ganito ang itsura ko? Mukha akong may isang dosenang anak.” Kausap ko ang sarili ko habang nakaharap sa salamin.
Tsaka, nasaan nga ba ako? Name-memory gap na ako.
*knock* *knock*
Binuksan ko ang pinto at tumambad sakin si Red.
“Tara. Kain na tayo tas hatid na kita sa Manila.” –Red.
“Ayoko pang umuwi. Panigurado, nandun silang lahat.” –ako. Ayokong makita nilang wasted ako for the second time around. Ayokong mag-alala pa sila sakin.
At higit sa lahat, ayokong makita ang pagmumukha ng mga ahas na yun. Hay. Bitter na kung bitter. Ikaw kaya maloko? Di ko talaga inaasahan ang mga nangyayari ngayon.
Sabi nga nila, expect the unexpected. Paano mo ieexpect kung unexpected nga diba? Labo.
“Baka mag-alala sila sayo.” –Red
“Magtetext na lang ako kay Kuya. Red, I have a favour to ask you. Pwede bang dito muna ako?” –ako. Pakapalan na itech ng fez. Ayoko kasi talagang makakita ng asungot sa mundo.
“Stay as much as you want, princess.” –Red. Kagabi pa yang princess thingy na yan. Pati Mama nitong si Red, princess ang tawag sakin. Mukha ba kong Cinderella? Tch.
“Tara na? Hinihintay ka na nila sa baba.” –Red
Halaaaa! Oo nga pala, ang parents ni Red! Aish. Ayos ayos din ng itsura.
“Okay na ba itsura ko?” Tanong ko kay Red habang sinusuklay ng kamay ang buhok ko.
“Oo naman. Palagi ka namang maganda.” Sabi niya habang inipit niya ang buhok ko sa tainga ko. Ugh! Okay. What was that for?
Pagdating ko sa dining table, nginitian ako ng mama at papa nitong si Red. Kamukhang kamukha ni Red yung mama niya. Parang ang bagets nitong mag-asawa.
“Kain ka ng madami , princess. Ang payat mo e.” –mama ni Red habang pinipisil pisil ang braso ko. Katabi ko kasi siya habang nasa harapan ko naman si Red.
“Hehe. Sige po.”
“Okay ka na ba hija? Kagabi kasi parang ma---” Pinutol ni Red ang sasabihin dapat ng papa niya.
“Kain na tayo.” –Red.
Halatang iniiwas niya na mapagusapan ang mga nangyari kagabi. Well, that’s life. Anong magagawa ko kung mahal niya talaga si Mich kaysa sakin diba? Gaya nga ng sabi ni Red, di ako nagkulang.
I did my part.
Paano ko naman siya ipaglalaban kung siya mismo may iba ng mahal diba? Katangahan na lang.
Acceptance na lang siguro ang solusyon dun.
Hindi yata kami para sa isa’t isa. Bakit pa namin pipilitin?
Kailangan kong tiisin kahit sobrang nawawasak ang puso ko sa nangyayari.
Salamat kay Red dahil hindi niya ako pinabayaan kahit na he’s a complete stranger to me. Ang bait talaga ng lahi nila Migz. Kapag ganitong broken hearted ako, sila ang takbuhan ko. My knight in shining armor.
Pagtapos namin kumain, umalis sila Tito Luis at Tita Lea, punta daw sila sa office nila sa Manila. Inaaya na nga nila akong sumabay sa kanila, sinabi lang ni Red na magstay pa ko dito.
Di naman sila umangal. Sabi pa nga nila kahit wag na daw ako umuwi samin, okay lang. Aampunin daw nila ko.
I opened my phone to text Kuya. Pinatay ko kaso kagabi para hindi ko sila makausap. Pagbukas ko, errrr---
BINABASA MO ANG
Let Us Start With Forever (Forever Your Babylove 2)
RomanceBook 2 of "Forever Your Babylove". Please read it first dahil hindi niyo masusundan to, kapag inuna niyo.