Simula nung makilala kita ang mundo ko ay nagkagulo. Hindi ko akalaing isang katulad mo ay mahuhulog sa isang katulad ko. Kala ko wala rin akong nararamdaman ngunit itong nararamdaman ko ay iba narin pala, sapagkat itong nararamdaman ko hindi kakaya...
Binuksan ko ang aking mata at bumungad sakin ang napakagwapong mukha..kumikislap ang kanyang mata at parang unti unti akong nahuhulog.
Hinaplos niya ang aking pisnge at dahan dahang lumapit sakin ng biglang-
"Shyna Leanna Coleman gising!!!" narinig ko ang malakas na sigaw ni Prof. sakin.
Nag fade yung mukha ng lalaki at unti unting dumilim ang paligid..kinusot ko ang aking mata at dahan dahang itinaas ang aking ulo.
Bumungad sakin sa Prof. na mukhang galit..
"Oh no.."bulong ko.
DETENTION ROOM
*RING!!*
"Ms.Shyna your Prof. in Science told me that you have slept in his class a minute ago, Is that true?" Principal Morie asked.
"It's true.." mahina kong sabi sabay tingin sa baba..napabuntong hinga si Principal morie.
"Hmm..this is the first day of school and you-" di niya natapos yung sasabihin niya ng biglang binuksan ni Prof.Jerry ang pinto.
Napatingin ako sa taong nag bukas ng pinto at tinignan yung lalaking malapit kay Prof.Jerry. Isang gwapong lalaki, matangos ang ilong, mapulapula ang labi at kumikislap ang mga mata yung parang katulad ng lalaki sa panaginip ko!
"What?"tanong nung lalaking kasama ni Prof.Jerry sakin.
Tinarayan ko siya at tinignan nalang si Principal Morie.
"I am sorry to disturb you Principal Morie but Mr.Chua here did something terrible again.."inis na sabi ni Prof. Jerry sabay tingin sa lalaking nasa likod niya.
"Ms.Shyna will continue this talk tomorrow.."minasahe ni Principal Morie ang kanya ulo at saka bumuntong hinga. Tumayo ako sa aking upuan at saglit tinignan yung lalaki at saka umalis na.
DORM
Tinanggal ko ang aking sapatos at nilagay ang aking bag sa study table ko at saka ibinagsak ang aking katawan sa kama.
"Uhgg..first day of school nakatulog ako!..Eto panaman ang freshman year ko tapos grr!! I hate this new school..i want to go back to my old school..!!"galit kong sabi. Pinagsasapak ko yung unan ko at saka tinakip ang aking mukha gamit ng unan.
*Ting!* Kinuha ko ang aking phone at tinignan kung sino ang nag chat sakin sa messenger..ay si Alec lang pala.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.