Yesterday

5 0 0
                                    

"By mamaya may laro kami after class"

Kasalukuyan tayong nakain ng lunch sa cafeteria kasama natin ung mga tropa ko maglunch.

"Hmm okay. Goodluck!"

"Opo. Maguupdate naman ako eh" sabi mo sabay ngiti sakin.

Hays magagawa ko eh basketball player nga pala boyfriend ko. hahahah nakakatuwa lang na sobrang dedikado ka sa sports mo.

"Oo na hahahah! Suot mo ha? at walang babae!"

"Opooo!" masiglang sagot mo.

"Sus raine maniwala ka dyan. Wala ka naman dun maraming girls dun tas may mga magaabot ng tubig sakanya sabay hingi ng number!" sabi ni Gayle.

"Oo may mga haliparot dun tas matetempt tong si Ian tas dadalhin niya sa mariche sige ka mars. May titikim dyan kaya kung ako sayo sunggaban mo na!" Gatong naman ni Jillian

"Grabe! hoy hindi hahahah" sagot mo

"Hahahahaha mga gago!" wala na kong nagawa kundi makitawa nalang sa kalokohan nila.

"Bunganga raine!" sabi mo sabay irap.

"Hahahahah opo sorry na by."

Kasalukuyan tayong nagtititigan ng biglang nagsitayuan sila.

"Tara na nga jusko naman nakakaumay na!" angal ni Eujenica

"Hahahahahahaha" sabay nating tawa. Sanay na sanay na kasi tayo sa kabitteran nila.

Sabay sabay na tayong lumabas ng cafeteria at pumasok ng building. Hinatid mo kami sa room as usual.

"Intayin kita mamayang uwian by ha?" sabi mo

"Opooo! i love you by" sagot ko

"Good i love you too. akyat na ko ha?" sabi mo sabay talikod.

Yesterday And TodayWhere stories live. Discover now