Today

5 0 0
                                    

Kasalukuyan kitang inaantay sa canteen kasi sabay tayong kakain ngayon ng lunch. Nung mga nakaraang araw hindi tayo nagkakasaby dahil sa bagong sched natin.

Nakita na rin kita sa wakas kaso wala kang dalang lunch.

"Lunch mo?" pagtataray ko kasi mukhang alam ko na ung sasabihin mo.

"Naglunch na ko. tagal mo kasi magreply nauna na ko."

'i knew it.'

Umupo ka na sa tabi ko at sinubukan makipag usap.

But you know i dont talk much when im mad.

"Kumain ka na by."

Hindi kita kinibo nagpipigil akong sigawan ka masyadong nakakahiya.

'Well all i wanted was to be with you and eat lunch with you but the latter seems impossible by now so ill try to eat anyways.'

Nagsimula akong kumain ng lunch habang panay ka daldal sa tabi ko. Ni tingin di kita tinatapunan.

"Tapos mo na ba math mo? nagawa mo na ba?"

"Natapos mo ba assignment mo?"

"Kain ka na ng maayos by tinamo mo oh 15mins nalang gaganyan ka pa ba?"

'Wow kasalanan ko pa ba? eh kung sinabi mong di kita makakasabay ng lunch edi sana kumain na ko!'

"By pag di ka kumain ng ayos tetext ko si tita."

'Text mo!'

Nagpatuloy ako sa pagkain kuno ko. Wala na talaga kong gana. Masama parin sobra pakiramdam ko pero pinilit kong pumasok para makasabay ka.

Patuloy ka sa pag kalkal ng phone ko kakahanap number ni mama.

"Ay expired na pala load ko"

'You just cant text her. I know you cant.'

"Kumain ka na kasi maayos by para makainom ka na gamot."

sinara ko na ung baunan ko wala na talaga kong gana. inilabas ko ung gamot at ininom isang gamot nalang un at napansin mo un.

"May gamot ka pa ba?"

"Oy by sagot may gamot ka pa ba?"

Hindi parin kita kinibo.

"Ay bastos oh kinakausap eh."

Tinignan kita pero di parin ako nagsalita.

"Bibilhan nalang kita mamaya ng gamot."

"May tubig ka pa ba? By sagot please"

"wala" walang gana at mahinang sagot ko.

Tumayo ka at lumakad palayo pero hindi paalis kundi pumila ka para bumili ng tubig. Hindi ko alam kung dahil may kasalanan ka kaya ka ganyan o sadyang maalaga ka.

Bumalik ka sa tabi ko at pilit parin akong kinausap kahit puro tango at irap lang natatanggap mo sakin. Hinawakan mo ung kamay ko at sabay sabing "Kalma na wag ka na magalit please"

"Sana di nalang ako pumasok" yun nalang nasabi ko sa sobrang sama ng loob ko pati ng pakiramdam ko.

"By naman tinamo to sabi sayo dapat di ka na pumasok eh."

'slow'

"Tara na malelate tayo pareho."

Ikaw na nagbitbit ng gamit ko at sabay tayong naglakad palabas ng canteen at hinatid ako sa room ko.

"Pasok ka na i love you. Akyat na ko."

Tumalikod ka na at naglakad palayo.

Yesterday And TodayWhere stories live. Discover now