Simula.

302 22 8
                                    

Simula.

The Chase Starts.

Bitbit ko ang bag ko ng makarating ako sa bago kong school na trinansferran, Hinanda ko na rin ang sarili ko sa mga mangyayari. 4th year college ang pinasok ko dito sa Lods Corp. University isa sa pinakamamahaling, at exclusive na University dito sa Pilipinas.

Unang araw ng pasukan ngayon at hindi ko alam kung nasaan ang classroom ko, kaya naman di-nial ko ang numero ni Adler ang sabi niya ay nandidito din daw si Zylen nagaaral. Sinagot naman niya ang call ko makalipas ang ilang ring nito

‘’Oh bakit ka napatawag?’’ tanong niya sa kabilang linya.

‘’Nasan na si Zylen?’’ tanong ko

‘’Nandiyadiyan lang yung ugok na yun! Hintayin mo lang dun sa main door’’ sabi niya, at hinung na ang telepono. Katulad ng sinabi niya ay nagpunta ako sa main door, maraming estudyante ang dumadaan buti nalang at alas 10:00 pa ang simula ng klase ko kung hindi siguro ay malalate na ako.

Nagdaan ang maraming estudyante ng may mahagip ang mata ko….. Sanji Park. Naalala ko nanaman ang sinabi ni Demetrius, ng makita ko ang lalaking iyon, siya. Sinundan ko lang siya ng tingin, ewan ko pero iba ang nararamdaman ko sa lalaking iyon. Ibang iba.

‘’Oy Ash sorry late ako’’ napalingon naman ako sa hingal na hingal na si Zylen, napairap nalang ako palagi namang late itong lalaking ito eh. ‘’Oh Nasaan yung schedule ko?’’ tanong ko sakanya

‘’Pareho lang naman tayo ng schedule kaya sabay na tayo’’ sabi niya at inayos ang sarili niya at nagsimula na kaming maglakad papunta sa mismong university. ‘’Nasan si Aye?’’ tanong ko sakanya, ang alam ko ay freshmen na si aye ang kanyang nakakabatang babaeng kapatid.

‘’Nasa classroom nayun tiyak, ang aga nga noong gumising. Excited masyado’’ sabi ni zylen at napangiwi nalang. Magkaibang magkaiba sila talaga ng kapatid nya.

‘’A-ah Zylen..’’ tawag ko sa kanya, dahil nakalimutan kong sabihin na nakita ko si Sanji Park ‘’Oh?’’ tanong niya.

‘’Nakita ko yung lalaking sinasabi ni Kuya Demetrius’’ sabi ko at tumingin sa ibang side, alam kong magugulat siya sa sasabihin ko. Nilingon niya ako at tiningnan ‘’Nasaan siya?’’ tila ba’y naging yelo ang boses nito.

‘’H-hindi ko alam, pero nakita ko siya kanina na pumasok na dito’’ sabi ko sakanya, tiningnan niya ako ng diretsyo pero nakaiwas ang tingin ko. ‘’Tara na magsisimula na ang klase natin’’ sabi niya na halos marinig mo sa boses niya na sobrang lamig at tigas nito.

Nakapasok kami sa classroom natin at kokonti palang ang mga estudyante, umupo si Zylan doon sa pangalawa sa huling upuan samantalang ako ay umupo sa pinakadulo kung saan merong dalawang bakanteng upuan. Dumating na ang professor naming ayos naman ang lahat ng bigla nalang nagbukas ang pinto

Dumating ang isang lalaking hindi ko aakalain ko na ka-block mate ko pala. ‘’Oh Mr.Park, May I know your lame excuse? Why are you late?’’ tanong sakanya ng professor pero hindi parin siya sumasagot.

‘’Next time, ipapadetention na kita’’ sabi ulit ng professor pero umirap lang ito, pumunta siya papalapit sa side  ko, may isa pang bakanteng upuan kasi sa tabi ko. Tumingin ako sa paligid at lahat sila ay nakatingin sa kanya pati narin si Zylen

Sobrang talas ng tingin niya dito, para bang gustong gusto niya itong patayin. Tiningnan ko lang itong si Sanji na wala atang pakialam sa mundo. Umupo na siya sa kanyang upuan kinuha naman ng professor namin ang aming atensyon, at doon nagcontinue ang klase namin.

Makalipas ang 2 oras ay tapos na ang klase naming, wala na akong iba pang schedule dahil 1st day palang naman ngayon. Tumayo kaagad itong si Sanji, at umalis na.

Pumunta sa kinaroroonan ko si Zylen sabay sabing ‘’Go, and start the chase, remember  Ash.’’ sabi niya, kaya naman ako ay agad na nagmadali para sundan si Sanji, Sanji Park

---------

thanks to -ohhorats 4 d cover i hope u, ur so cool. ♥ 

Chasing Sanji ParkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon