Kabanata 2

111 10 5
                                    

Kabanata 2

Rivalry.

 

Hanggang ngayon ay nakatunganga parin ako dahil doon sa sinabi ni sanji, hindi ko alam pero parang hindi ko talaga alam kahit sarili ko ay hindi mai-explain ang nangyari tinanong nga ako ni Penelope kung may something daw ba samin sabi ko wala dahil wala naman talaga.

Natapos naman ang ginagawa namin,  ng maayos na ang ginawa namin ay pumunta na kami pabalik sa classroom. Ng makabalik na kami ay nagsiupo na kami kaagad sa aming seats, wala namang nangyari dahil wala ang teacher naming dahil nga ay may inaasikaso natapos ang klase ng wala kaming ginagawa

Ng makalabas ako kasama si Zylen ay napansin kong nandodoon si Adler malapit sa parking lot, ano ang ginagawa niya dito. Ng makalapit kami sa kanya ay tinanong ko siya ‘’Anong ginagawa mo dito?’’ tanong ko sa kanya.

‘’Sabi ni Demetrius ay sunduin ko daw kayo baka may mangyari..’’ sabi niya, tumango nalang si zylen pati narin ako, aalis na sana kami ng mapansin kong nagiba ang timpla ng kanyang mukha naging parang itim ang aura ni Adler, tiningnan ko naman ang tinititigan niya.

Si Sanji, pati si zylen ay napalingon rin at ganoon din naman ang naging reaction niya nagiba din ang timpla ng mga mukha nila. ‘’Tara na..’’ gusto ko na silang yayain dahil alam ko ang posibleng mangyari mamaya, maari nilang patayin at bugbugin si sanji ng di oras.

Kaya naman napabaling ang atensyon nila saakin at sumakay na nga kami sa kotse pero ganoon parin naman ang timpla ng kanilang mukha. Napansin kong parang hindi ito ang daan papunta sa bahay ‘’Saan tayo pupunta adler?’’ tanong ko sakanya.

‘’Pupunta tayo kay Demetrius, may sasabihin daw siya.’’ Napatango nalang ako sa sinabi niya, ‘’Nasaan nga pala si Kuya Ashton?’’ tanong ko dahil ang tagal tagal ko ng hindi nakikita ang kuya ko.

Si Ashton ang nakakatanda kong kapatid dalawa ang aking nakakatandang kapatid, si Ashrey ang isa at matagal ko ng hindi nakikita itong dalawa kong magaling na kapatid.

‘’Nasa kila Demetrius si Ashton’’ sabi naman ni adler, tumango nalang ako ‘’Si Kuya Ashrey?’’ tanong ko sakanya,  napaisip naman siya kung nasaan si ashrey.

‘’Hindi ko alam kung saan naglalagi iyong kuya mong gago.’’ Sabi niya sabay napahalakhak sigurado akong nasa condo nanaman niya iyon at gumagawa ng sarili niyang milagro.  Napangiwi nalamang ako, ang dami na kasing babae ang napapasok noon.

Napansin ko namang may di-nial si adler sa phone niya habang nagdri-drive ‘’Hoy Ashrey!’’ sigaw ni adler at niloud speaker ang phone niya at ibinaba, ‘’Ano ba problema mo!? Busy ako.'' sabi ni ashrey sakabilang linya

''Hinahanap ka ni Ashley Trish Reyes'' sabi naman ni adler, Ashley trish reyes ang tunay kong pangalan, lahat kami ay puro nagsisimula sa ash ang pangalan. Hindi ko alam kung bakit

''Ah namimiss na ako ng baby namin?'' pagpapacute naman ni Ashrey sa kabilang linya, napairap nalang ako sa inaakto nitong balastuga kong kapatid. 

''Hindi, kaya iend mo na ito.'' sabi ko sabay irap, napatawa naman sila adler sigurado ako ay galit na galit na si ashrey dahil sa sinabi ko dahil ayaw na ayaw niya kasing sinusungitan siya, nagpatuloy ang biyahe habang kinakausap namin si ashrey sa kabilang linya.

Ilang minuto lang ang nakalipas at nakadating na kami sa bahay ni kuya demetrius ng makapasok kami ay nandodoon si kuya demetrius at Kuya Ashton sa garden, ng makalapit kami sa kanila ay niyakap ako ni kuya demetrius ng mahigpit ''Ashley trish..'' yan kasi ang tawag niya saakin.

Ilang segundo lang ay bumitaw na siya sa yakap pero pansin ko na ang talim ng tingin sa kanya ni kuya ashton, si demetrius ay 21 years old palang samantalang si kuya ay 22 years old na isang taon lang ang pagitan nila

Samantalang ako ay 17 at magdidisiotsyo na sa mga susunod na buwan, si Ashrey naman ay 19 na Si Adler ay 20 na at si zylen ay disiotsyo na. 

Ng lumapit ako kay kuya ashton ay niyakap ko din siya ilang araw ko na siyang hindi nakita dahil wala siya sa bahay palagi siguro ay sa trabaho narin, Hindi ko inaasahan ang mga sinabi niya saakin hindi ko rin maintindihan kung bakit ''Wag kang masyadong lalapit kay demetrius.'' yan ang bulong niya bago sya kumalas sa yakap.

Bakit?

Ng matapos kami magbatian ay nagpunta na kami sa loob ng bahay, pero sakto na nagring ang cellphone ni kuya ashton kaya naman ang lahat ay napatingin sakanya na para bang nagtatanong kung sino ang tumatawag dahil ang mga tumatawag lamang kay kuya ahston ay kapag may emergency o kaya naman eh importante.

''Si Sanji...'' sabi niya na ikinagulat ng lahat kaya naman ay biglang naginit ang paligid. 

Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari basta ang alam ko lang ay, si kuya ashton at si sanji ay matalik na magkaibigan pero nawala ito dahil sa isang desisyon na nagkanda damay damay ang lahat. 

-------------

dedicated to shelaughsatyou thank you po for the cover <3 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing Sanji ParkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon