Dropped Calls

45 2 0
                                    

Na-inlove ka na ba sa isang kaibigan? Paano ang gagawin mo kung

nahulog ang loob mo sa kaibigan mo na boyfriend ng bestfriend mo? Pano

kung pareho kayo ng gender? Ipaglalaban mo ba? O kakalimutan na lang?

Sophomores kami noon nang magsimula ang aming kwento. Sya si Michael,

escort ng kabilang section. Hindi kmi close pero madalas ko syang

hinihintay dumaan sa hallway para makita ko lang sya. At oo aminado

akong crush ko sya noon pa. Kahit hindi ko alam ang pangalan nya o

kung sino sya. dahil sa taga kabilang section sya hindi kami nagka

chance na maging close sa isa't-isa. Minsan nga nasabi ko na lang

"Balang araw, makikilala din kita."

Natapos ang taon at naging 3rd year na kami. As always, excited akong

pumasok para makilala ko ang bago kong classmates. Agad akong pumunta

sa pintuan ng classroom namin at tiningnan ang listahan ng pangalan ng

mga classmates ko. Masaya ako kasi halos lahat ng nasa list e kakilala

ko na dahil naging classmate ko na ng first year, nakasama ko na sa

activities o napakilala na sakin ng iba ko pang kaibigan. Nagtaka lang

ako at may bago kaming classmate. #14. P**** Michael, napaisip ako kung

sino sya, naisip ko na lang baka transferee. Madali naman akong

nakakuha ng mga bagong kabarkada at isa pa, naging classmate ko si

Kristine -- ang best friend ko. "Bru" ang tawagan namin, short for

"BRUHA" .

Kagaya ng usual na eksena sa first day of school, introduce yourself

muna. Kaya isa-isang tinawag ng teacher ko ang mga students nya. Lahat

kami nakapag pakilala na aside dun sa #14 na si Michael. Akala namin

absent sya nang biglang pumasok sya sa room kasama ng isang teacher.

Naligaw pala sya at napasama sa ibang section. At nagpakilala na din

sya sa harap ng klase. Nagulat ako ng makita ko na ang dating

tinitingnan ko lang sa kabilang room ay classmate ko na this year! Sya

pala si Michael! At ang laking tuwa ko!

Dahil sa magkaiba kami ng hobby, hindi kami agad naging close ni Michael.

At nawala din yung dating paghanga ko sa kanya. Barkada lang... Yun

lang ang tingin ko sa kanya dahil naging crush sya ni Kristine -- ang

bestfriend ko. Isa pa, PAREHO KAMING LALAKE kaya napaka imposibleng

maging kami. Kaya siguro nawala na yung paghanga ko para sa kanya.

Electronics ang subject matter namin sa Technology and Home Economics

(THE) madalas kami ang napagsasama sa group since madalas din naman

kami ang magkatabi sa upuan. Si Michael ang gumagawa ng actual ako naman

sa paperworks. Dahil alam nyang medyo malambot ako at hindi ko talaga

hilig mag kutingting ng bumbilya at electrical wires hehehe.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dropped CallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon