Ang Probinsyana

20 0 0
                                    

********

First time ko pa lang magsusulat dito. Sana suportahan noyo po ako!!! VOTE-COMMENT-FOLLOW

********

Mary's POV

"Nay! Tay! Nakapasa po ako sa UP!! BS Economics po ang course ko dun nay!" Pagmamalaki ni Mary habang hinihingal na ibinalita sa kanyang mga magulang ang result ng kanyang Entrance exam sa UP Diliman.

Pero walang imik ang kanyang mga magulang. Ipinagpatuloy pa din nila ang pagsasaka sa ilalalim ng sikat ng araw.

"Hindi nyo ho ba nagustuhan dahil nakapasa po ako sa isang magandang University dito sa Pilipinas?" Maluha-luhang tanong ni Mary sa kanyang mga magulang.

Hindi niya alam ay wala ng pangtustos para sa tuition fee nya ang kanyang mga magulang. Kasi, sa liit ng sweldo ng kanyang mga magulang ay hindi nila maipagkasya ang pera nila sa pagkain, mga binabayarang utang at pampaaral sa 5 pang kapatid ni Mary. At ngayong nakatapos na sa High School si Mary, ay balak ng kanyang magulang ay tumigil na siya sa pag-aaral at tumulong na lang sa pagtatrabaho sa sakahan o kaya ay maghanap ng ibang trabaho bilang katulong sa may-ari ng lupa na pinagsasakahan nila. Pero ayaw ni Mary na itigil na lang ang kanyang pag-aaral dahil lang sa kahirapan.

"Ah! Kung ayaw nyo po na mag-aral ako ng college. Ako po mismo gagawa ng paraan para makakuha ng pang-tuition fee sa college!" paninindigan ni Mary.

Pumunta naman agad si Mary sa kanyang tita para magtanong kung pwede siya pumasok bilang all around katulong.

"Ta, pwede po ba pumasok bilang katulong jan sa inyo. Kayang kaya ko pong maglaba, mamalantsa, mag-alaga ng bata, magbuhat ng mabibigat, maglampaso, magwalis. Pati nga ho ngumuya ng goma, kumain ng bubog at apoy at tumulay sa barbed wire yakang-yaka ko ho!!" Pang-eenganyo niya sa kanyang tita para tanggapin siya.

"Naku po Mary, may 3 na kaming katulong eh. Kaya di na ako kumukuha kasi mahirap na din magpa-sweldo kasi ang tito at ako ay sakto lang ang sinusweldo kaya sorry talaga. Pero, may kaibigan ako sa Manila na pwede mong apply-an" sagot naman ng tita niya.

Nakungkot si Mary sa narinig niya. Ayaw pa naman niyang humiwalay sa pamilya niya lalo na kung hindi yun sa pag-aaral.

"Ok lang ba sayo Mary?" Tanong ng tita niya na may halong lungkot.

Hindi agad nakasagot si Mary.

"Ok lang ho tita! Naiintindihan ko po nagbaka sakali lang naman po ako eh. Hayaan niyo po, pag-iisipan ko po yung alok niyo sa Manila." Sagot naman ni Mary ng masaya.

Umalis na din agad si Mary at umuwi na sa kanilang bahay.

"Oh nariyan na pala si Maria. San ka nga pala galing at ngayon ka lang?" Tanong ng kanyang ama.

Nag-mano muna si Mary sa kanyang mga magulang at humalik sa kanyang mga kapatid.

"Diyan lang ho kina Tiya She at nagbaka sakali sa trabaho" sagot naman ni Mary ng malungkot.

Hindi na kumibo ang kanyang mga magulang at naghain na lang ng pagkain sa kanilang lahat. At tahimik silang kumain.

"Inang ako na ho riyan at kayo ho'y matulog na at pagod na pagod kayo sa buong maghapon.

At kinuha naman ni Mary ang mga ligpitin at siya na ang nag-ayos nito. Nang matapos siya sa mga nililigpit niya, umupo siya sa terrace nila at nagmuni-muni.

"Jusko po naman uy! Bakit ho ako nagkakaganito? May ginawa po ba akong kasalanan? Haaaay pahingi naman po ng sign para magkaroon ako ng pag-....."

Bago pa man niya matapos ang sinasabi niya ay biglang nagkagulo ang kaniyang kapit-bahay na nag-iinuman at nagbabatuhan ng mga bote

"LORD! Hindi po ito ang hinihingi ko pong sign. Aatakihin naman po ako kung eto ang sign niyo sa akin eh. Hahahaha!!!"

Hanggang sa nakatulog na siya sa kanilang terrace dahil sa pagmumuni-muni.

"Hoooy!! Gising na at marami pa tayong gagawin" sabi ng nanay niya.

Kaya ayun, pupungat pungat si Mary na bumangon at nag-ayos ng sarili.

When Promdi meets the SocialiteWhere stories live. Discover now