Mary's POV
Habang nasa sakahan si Mary, hindi pa din maalis sa isip niya ang inaaalok ng kanyang tita na magtrabaho sa Manila.
At dahil wala siya sa ulirat ay bigla na lang siyang napahiga at napasubsob tuloy ang mukha niya sa putikan.
"Suskupo namaaaan!! Apbat ho ba ang malas malas ko? Nakapasa nga ako sa UP pero sunod-sunod naman po ang kamalasan sa akin. Ayoko na lang isa-isahin at baka ho magka-puting buhok na ako bago matapos nito"
Mukhang napansin siya ng kanyang mga magulang kaya pinauwi na lang siya.
"Maria, pumunta ka na lang sa bahay at doon ka na lang mag-ayos" utos ng kanyang nanay.
Pero bago siya pumunta sa bahay ay minabuti niyang bumalik sa kanyang tita para tanungin ulit yung trabaho niya sa Manila.
"Ta. Tao po" naka-ilang katok na si Mary bago siya napagbuksan ng kanyang tita na kagagaling lang sa banyo n
"Hija maupo ka muna dine at uminom ng tubig. Ako'y mag-aayos lang" utos ng kanyang tita.
"Salamat po tita. Osge po, magbihis muna po kayo. Dito lang po ako"
Habang nakaupo si mary, unti unti ng nabubuo ang desisyon na na makipag-sapalaran sa Manila para magkaroon ng magandang kinabukasan para sa kanyang pamilya.
At natapos na din ang kanyang tita at siya'y kinausap na.
"Oh ano? Nakapag-isip ka na ba kung tatanggapin mo ang trabaho na inaalok ko sayo? Kinukulit na kasi ako ng kumare ko eh. Wag kang mag-alala kasi mataas magbigay ng sweldo ang mga yun lalo na at may dadating sa kumpanya nila na isa sa napaka-importanteng tao. " paliwanag ng kanyang tita.
"Ah eh, kung sakaling tatanggapin ko ho ang inyong inaalok. Kailan ho ako magsisimula?" Tanong ni Mary.
"Sa isang linggo na kailangan." Nakangiting sabi ng kanyang tita.
"ABA!!!! SA ISANG LINGOO NA HO?!!! AGAD AGAD NAMAN HO?! ATAT TALAGA?!!" Gulat na gulat na sagot ni Mary.
Pinakalma ng kanyang tita si Mary. Nang mahimasmasan ay umuwi na din agad si Mary at baka hinahanap na siya ng kanyang mga kapatid.
Nang makauwi na siya, nag-ayos lang siya at inayos ang bahay.
As usual, napa-isip na naman siya....
"Jusmiyo. Kung sa isang lingoo na ako kailangan san kaya ako makakautang ng pera pamasahe ko? Paano ko to sasabihin kina nanat at tatay? Ano ba naman yaaaaan. Wala na bang idadagdag pa na problema?" Pagmamaktol ni Mary.
Nang mag-gabi na, humahanap si Mary ng magandang tyempo para sabihin sa kanyang mga magulang ang balak niya. Pero wala talaga eh, buti na lang at may 1k siya na ipon at pwede ng pamasahe papuntang Manila.
Nag-empake na siya ng mga gagamitin niya para sa gabi ay aalis na siya. Hiningi na niya sa kanyang tita ang address ng kanyang pupuntahan.
Nang sumapit ang 9pm ay umalis na siya at nag-iwan ng letter sa lamesa para magpaalam sa kanyang mga magulang.
At tuluyan na siyang umalis na kanilang probinsya.
****************************
Ok, medyo mabagal pag-update ko ng story. Prelims kasi eh.
VOTE. COMMENT AND FOLLOW. GOD BLESS!
YOU ARE READING
When Promdi meets the Socialite
RomanceSi Mary Anne Ramos o mas kilala bilang Maria sa kanilang barrio ay isang simpleng babae, matalino, may paninindigan at mataas ang pangarap para sa kanyang pamilya. At dumating ang panahon na kinailangan nyang lumuwas ng Manila para maghanap ng traba...